u/Icyneth

▲ 48 r/FlipTop

Zoning 22 review na medyo late (part 1 kasi babiyahe pa ako pa-MOA)

Bago magstart si Aric ng event, lagi siyang nag-aask if okay yung sound sa iba't ibang sides ng venue. Okay naman ang response ng mga tao pero feel ko nakaaffect sa ibang mga battles yung medyo mahinang audio and malakas na echo, baka sa likod na part lang ng SVIP, pero going in sa reviews:

  1. Dave Denver vs Jamy Sykes

Malakas na start ng event o malakas lang dahil underperforming ibang battles? Pwedeng pareho. Malakas, ngunit hindi ito yung Dave Denver na lumaban kay Jaws. Maaaring dahil sa kakulangan ng pwedeng iangle kay Jamy Sykes kasi hindi naman ganon karami pa ang battles niya. DD took advantage of what he could. Napuruhan niya si JS sa anggulo about Lanzeta, lalo sa R3. Si JS naman, kung sulat at performance lang, malakas at kapareho ng mga previous battles niya. I personally think hindi lang masiyado nagtranslate sa big stage, kagaya ng performance niya against Bisente dahil sa volume ng speakers, echo, at kung pa'no siya magdeliver. Mayroong mas okay na mix for him pero ayun nga, hindi pwedeng Fliptop ang mag-adjust para lang mas maappreciate siya ng mga tao. Since inaanggulo na naman sa kaniya na ginagaya niya si Lanzeta, pwede niya na rin siguro gayahin yung adjustment ni Lanzeta sa performance niya mula Cerberus at Range papunta sa battles niya kina BLKD at Sak moving forward.

5-0 ang boto ng hurado para kay DD.

Personally, DD all three rounds.

  1. K-Ram vs Towpher

At first, akala ko magkakalat si K-Ram buong battle dahil sa mga una niyang lines pero I was proven wrong. Same with DD, hindi ito ang best form ni K-Ram, pero one that is still very entertaining. Mostly dahil sa mga homo-aric bars along with his signature putol ng rhymes. I think may mga slight stumbles siya across his three rounds pero very subtle lang so baka 'di rin masiyado napansin ng crowd. Si Towpher naman came prepared. Hindi noticeable na matagal na siyang walang 1v1's. Nagtatranslate rin sa crowd mga punchlines. Pinakita niya across all three rounds kung bakit siya ang Rebuttle Lord. Ayaw ko lang magspoil ng kahit anong lines from both of them since mostly komedya so baka mawalan ng dating kapag pinanood niyo na sa video. Isang pwede ispoil siguro dahil kahit maspoil kayo ay sure pa ring maeenjoy niyo ay ang kanilang gimmick sa last round. Alam niyo na kung para kanino ang punchline.

5-0 para kay Towpher ang mga judges. Personally, 1 kay Towpher. 2, very slight edge ni Towpher pero pwedeng K-Ram. 3, mas tabla pero pwedeng kay K-Ram. Parang ang ikli ng 3rd round ni Towpher o attention span ko lang.

  1. Batang Rebelde vs 3rdy

Hindi A-Game ni 3rdy for sure, or pwedeng performance/audio related din. Maganda ang sulat kagaya ng mga previous sulat niya na nag-adjust na to confirm sa bigger stage. Sinesetuppan niya ng jokes mga technicals niya para makuha muna attention ng crowd before ang punchline pero 'di sobrang nagtranslate sa crowd. Si BR naman, the usual BR. Mas malakas siya sa crowd sa battle na 'to. Maganda rin mga gestures na ginagawa niya while spitting, nakakakuha ng attention ng crowd. Ang cute nga niya magspit, hirap seryosohin ng mga linya hahaha Nagpakitaan sila ni 3rdy ng freestyle rebuttals all three rounds. Malakas parehas mga rebuttals for me. Nagkatalo sa performance. Sa writtens, pwedeng 3rdy, pwedeng tabla. Very evident ang veteran moves ni BR.

5-0 ang judges in favor of BR. Personally, I think either way.

Tuloy ko later or bukas if magkakatime pa. Biyahe lang paMOA para naman manood Toy Story 5. Big boys na tayo eh. Salamat!

reddit.com
u/Icyneth — 24 hours ago