May mga karanasan akong patungkol sa lucid dreaming (look for google definition). Sa simula nakakatakot siya kasi bago para sa atin maka experience ng ganun. The emotions you'll feel are mostly scared and horrified and kala mo di kana magigising. Another emotion is yung pagkamangha sa experience. Nangyari unang karanasan nung high school pero di na naulit after many years. Nagising ako ng hapon bandang 3pm after siesta pero di ko nakikita yung mga kamay ko (as in literal na wala). Bigla akong bumangon saka tiningnan ang paligid. Normal ang lahat kaso wala akong pakiramdam sa katawan. Sa sobrang tense ko uminit na yung katawan ko tas nagising nalang bigla. Same atmosphere, same position, same time.
I'm not taking any medication, I feel like I'm not a special something too. But these experiences made me curious one time and it changed the way I percept things about our mind and how they work. So I tried researching occult knowledge. Yes, I know how risky it is. But being in an occult highway doesn't mean you're not a righteous person or whatever mainstream media and movies you watch are showing. It's a matter of perspective in life and how you live with it. Then I saw a book about lucid dreaming in pdf format, downloaded it and studied the content. I saw the transcriptions, mga latin na mga salita (syempre etranslate mo muna bago mo bigkasin for safety), and mga passageway na gagawin bago matulog.
So ayun nag start ako ng practice during pandemic. I found many things na hindi natuturo sa mga normal na pamumuhay. Ibang-iba ang ma experience mo during lucid dreaming. Makakapunta ka ng ibang lugar na di mo pamilyar, makokontrol mo mga kilos saka ma influence mo mga mangyayari sa paligid. Ikaw ang gamemaster sa mundo ng panaginip. May makakausap kang ibang entity na di pamilyar sa'yo pero di ka makakaramdam ng takot kasi ket ibang nilalang sila di ibig sabihin na masama agad. Alam mo mismo sa aura nila kung hostile ba sila or friendly. One lesson na natutunan ko sa kanila is yung fact na andyan sila sa paligid natin nakikihalubilo sa tao pero nasa ibang dimension. Kahit yung mga itim na entity na nasa paanan ng higaan mo ay normal na anjan. They vibrate in different frequency and you will feel scared the first time talaga. But knowing their nature, ma realize mo nalang na they are not allowed to touch us since magkaiba tayo ng dimension. Everytime na maencounter ko sila during my practice ay tinatawan ko nalang sila kasi wala eh nakatitig lang sila na parang usok na itim. Anong sekreto para di matakot? Faith ky God. Period. Yung journey is worth it pag alam mong may gabay ka mula sa taas. Isapuso mo lang ang kanyang presensya, di ka na maliligaw at matatakot.
-Yama