u/Inaunlab

An au based off this tweet

An au based off this tweet

Nakita ko lang tong Tweet at napa isip ako, trew sa fire tong Tweet na to so gumawa ako ng au na feel ko naman enca 2016 and ecs lore accurate. Long narrations ahead tapos wag po kayo mag expect, di po ako writer.

Sa trono ng sapiro, ang magiting na Hara ng mga diwata ay unti unti nang nawawalan ng buhay. Nang hihina niyang nilabas ang kanyang brilyante at inutusan ito na pansamantalang mag tago muna upang protektahan nito ang kaniyang sarili at sumama lamang ito muli sakanya pag ito ay tinawag na, ngunit mag silbing gabay din sa kaniyang mga minamahal kung kinakailangan nila. Ang brilyante ay nag tago sa lugar na hindi pa nadidiskubre ng kahit sino mang engkantado, ang mineave. Doon nakita ng brilyante ang isang arkanghel na May hawak na makapangyarihang Esperanto.

Natapos na ang laban nila Khalil at amihan laban sa mga hadezar at naitatag na ng bagong Rama ng sapiro ang kanyang kaharian, ngunit nangungulila parin siya sa diwata na kaniyang minamahal, na kahit ang brilyante na kanyang inalagaan ay wala rin upang mag silbi na alaala ng dating Hara. Sa sobrang pag luksa ay narinig ito ng brilyante ng hangin at nag pakita sa rama ng sapiro, pina rinig nito sa rama ang bulong ng hangin, na baka May paraan upang maibalik ang kanyang Hara. Binalaan siya na ang pag lalakbay ay mahaba at mapanganib. Maaring matagal ang kanyang pag balik o di kaya hindi na siya maka balik pa. Pumayag parin ang Rama at nag desisyon na siya ay mag lalakbay, kahit ano ay handa niyang gawin maibalik lang si amihan.

Nag paalam ang Rama sa kanyang anak at sa Hara ng hathoria, lireo, at sa sangre Alena na siya ay mag lalakbay at pansamantalang ibinilin ang kaharian ng sapiro sa kanyang anak na si lira at iniwan ang pangangalaga sa kanyang anak kay sangre Alena. Bago siya umalis ay kinausap niya ang sangre Alena at sinabi ang tunay na rason kung bakit siya mag lalakbay at inihabilin si Lira sakanya dahil alam niyang papangalanan gagabayan ng sangre ang kanyang anak at upang hindi na rin maka abala pa lalo sa mga Hara. Sinubukan siyang pigilan, ngunit desidido na ang Rama. Bago siya umalis ay binigay ng rama ang kanyang espada at gupit ng kanyang buhok. Ang dalawa ay mag sisilbing alaala nila sakay kung sakaling hindi mabalik ang kanyang katawan sa Encantadia.

Naging matagumpay ang misyon ng Rama, nakuha niya ang kanyang nais. Nakausap niya ang arkanghel na May ari ng Esperanto na buhayin muli si amihan. Ngunit May kapalit. Ang kanyang buhay.

Sa devas naman ay galit na galit ang bathalang emre sa ginawa ng isa sa kanyang mga nilikha, ngunit hindi niya parin mapipigilan ang nangyari. Nabuhay muli si sangre amihan. Ngunit dahil hindi galing sakanya ang muling pagkabuhay ng diwata ay nabahidan ng kasamaan ang kanyang ivtre at pag pinababa ng bathala ang sangre, sa oras na siya ay namatay muli ay mapupunta na ang kanyang ivtre sa balaak. Upang hindi mangyari ito sa isa sa kanyang pinaka tapat na engkantada ay inutusan niya ang brilyante ng hangin na pansamantala munang ikulong ang sangre sa loob nito hanggang sa mawala ang masamang kapangyarihan na bumabalot sa kanyang pagkabuhay at binasbasan siya na sa oras na maging malinis muli ang kanyang katawan ng masamang kapangyarihan ay makakalabas na siya ng brilyante at magiging katapat na sa estado ang sinaunang diwata.

Ngunit May isa pang suliranin ang bathala, dahil namatay si ybrahim na hindi pa niya oras at ang kanyang ivtre ay nasa balaak na, wala nang mamumuno sa sapiro at alam niya na hindi tatanggapin ni Lira at lila sari ang trono, kaya't tinawag niya si Khalil at sinabi ang nangyari. Ang natitirang oras ng kaniyang ama sa Encantadia ay mapupunta kay Khalil at siya ang hahalili sa kanyang ama sa trono ng sapiro.

Nag pupulong ang mga pinuno ng Encantadia nang biglang bumaba si Khalil mula sa devas at pinaalam Sakanila ang nangyari sa Rama ng sapiro. Ang lahat ay nag luksa sa nalaman ngunit nabuhayan muli sila ng loob ng malaman na babalik si amihan balang araw. Tinalaga na hari ng sapiro si Khalil at sa kanyang koronasyon, nag pakita muli ang brilyante na matagal nang hindi nag pakita. Lahat ay nasilaw sa napaka lakas na ilaw na pinakita nito maliban sa Rama. Sumigaw ang Rama "Nag balik na si ashti amihan!" Lahat ay umiyak sa tuwa at muli na nilang makakapiling ang kanilang Hara, kapatid, at ina. Dali daling tumakbo si Lira upang muling mayakap ang kanyang ina, sumunod naman si Mira at ang mga kapatid ni amihan. Buo na muli ang apat na sangre.

Nang Naka balik na si amihan ay sinubukan ibalik muli ni danaya ang trono sa kanyang edea, ngunit tinanggihan ito ni amihan at ninais na lamang alagaan si Lira upang makabawi sa mahabang panahon na pagkawalay nilang dalawa at protektahan ang Encantadia bilang isang sangre. Matapang na nilabanan ng mga sangre ang mga etherian at nag wagi. Naging Hara na ng lireo si Alena, naging bathaluman na si Cassiopeia, at sumibol ang bagong henerasyon ng mga sangre. (Stay parin dito yung galing si Cassandra kila Cassiopeia, amihan, lira. Pero imbis na abo, buhok nalang din ni amihan).

Ngunit May suliranin parin si Khalil, siya man ay Rama at parang buhay, siya ay isa paring ivtre na May basbas lamang upang maging parang May katawan na tao. Wala siyang kakayahan magkaroon ng anak. Walang hahalili sakanya sa oras na bumalik siya muli sa devas. Sinabi niya ang kanyang suliranin sa kanyang ashti amihan. Nag dasal ang sangre sa mga bathala at sinagot naman ito. Sa pamamagitan ng buhok na iniwan ng dating Rama at ang dugo ng Hara Alena ay magkakaroon muli sila ng anak na siyang magiging susunod na pinuno ng sapiro. Nag pakita ang bathalang emre sa panaginip kay Hara Alena at sinabi na sa pamamagitan ng kanyang dugo ay magkakaroon muli siya ng anak at siya ang hahalili sa kanyang kapatid sa sapiro. Kumuha si amihan ng buhok ng dating Rama at hinalo ang dugo ng kanyang kapatid, sa pamamagitan ng kanyang engkantasyon ay nabuhay ang bagong diwani. Binigay ni amihan kay Alena ang bago niyang anak at pinangalanan niya itong "armea" mula sa pangalan ng kanyang ilo sa ama.

Tapos na, gang dyan lang kasi tinatamad na ako. Pero feel ko namang nag make sense siya. Like deserve ni ybrahim mapunta sa balaak and I love armea and Khalil kaya sinama ko parin sila. Tapos para maging lore accurate kasama yung ecs eh habang nasa loob ng brilyante ng hangin si amihan eh nasa mineave siya at "inalagaan" siya ni deia. Parang paopao sa brilyante ng diwa noon. Pero this time nakakausap talaga ni amihan si deia para mas May sense kung bakit siya yung bagong air gem keeper. Tapos sa first season ng ecs parang yung arc doon eh magiging Cassiopeia level din yung tatlo para sabay sabay silang apat maging bathaluman. Yan lang, sooper haba so kung meron man May patience na binasa to eh thank you!

u/Inaunlab — 6 days ago