I was bitten by a dog at the resort.
Sorry po if nasa maling category ako. First time ko lang po mag post sa reddit. Long post po ito
Last saturday po pumunta kami ng family ko sa isang resort malapit sa amin. Siguro nasa 2hrs palang kami nun mula ng nakapasok kami, nasa cottage lang po ako naka upo habang binabantayan ang kids ko na nag suswimming. Di naman gumagalaw as in naka steady na upo lang ako, bigla kong naramdaman na may parang masakit na tumama sa binti ko. Pag tingin ko may aso palang dumaan at narealize kong nakagat na pala ako. Hinugasan at sinabunan po namin ito then after that lumapit na kami sa staff ng resort sa entrance para sabihin sa kanya yung nangyari. Nag sorry lang sya kase hindi nya daw napansin at hindi daw po nila aso yun. Stray dog daw pala yun na nakapasok hindi Nya napansin kasi open lang po yung gate nila mula sa parking lot at entrance ng resort. Tinanong namin sya kung babayaran ba nila yung anti rabbies injection ko but sabi nya hindi daw dahil hindi naman sa kanila yung aso kahit anong sabi ko na sa loob ng resort nila nangyari yun dapat panagutan nila. Dahil may kakilala naman po kaming kaclose yung may ari ng resort, nag decide nalang po kaming umuwi kaagad para magpa inject at mamaya nlng imessage yung friend namin para makausap yung may ari ng resort. Unang pinuntahan namin ay public hospital but sinabihan kami na sarado na daw ang bite center nila at bumalik nlng daw ako sa monday dahil ang icacater lang po nilang urgent care is yung nakagat from neck pataas. So dun nlng po kami sa private clinic nagpa inject. Dahil dumugo po yung kagat ng aso ay nasa category ako na need linisin yung sugat mismo. 1st dose po ay umabot ng 3k then 2nd to 4th dose po ay 650 each. Total of 4950.
Pagka uwi ko po ay kinontak na namin yung friend namin na kilala si resort owner but ang sabi po nila ay 2k lang daw po ang ibibigay nila dahil hindi naman daw po sa kanila yung aso. Tama po ba yun? Kahit sa loob mismo ng resort nila ako nakagat? Parang mali ko pa ata yung negligence ng staff nila? Ano po dapat kong gawib? Take note po si resort owner ay dating city councilor