u/InitialPainting2225

Share ko lang, bumili ako ng isang clearance helmet sa motoworld online. Pagdating nung item, pansin ko na agad na sobrang luma na ng helmet at yung dikit nya is parang expired na kaya nagsisimula na rin matanggal. May amoy na rin sya na masakit sa ilong. Tapos yung red na hawakan nya sa may quickrelease na strap, bigla nalang ding natanggal. May helmet ako mula sa kilalang sketchy na brand at for 5 years, sa part na yon ng quick release ko tinatanggal at hanggang ngayon napakatibay pa rin.

Nireturn ko na yung item at hanggang ngayon is wala pa rin balita sa refund ko na sabi ay 10-15 days.

Ang nakakabahala pa, nung chineckout ko yung item, bigla syang nag out of stock so meaning last item na yung binili ko. After ko ireturn yung item, bigla nalang nagkaron ng stock. At yung exact item na nireturn ko pa talaga! So possible na binebenta pa rin nila kahit defective na yung item. So for awareness, ingat ingat nalang kayo sa pagbili ng clearance items sa motoworld.

May iba na rin naman akong binili sa motoworld pero okay naman. Ang disappointing lang ng experience ko ngayon.

reddit.com
u/InitialPainting2225 — 18 days ago