u/JinjinirCrocky

Experience

Nung bata ako, naka experience ako na gusto akong kunin ng mag-asawang engkanto.

Mahabang Kwento, Pasenya.

Nakatira kami nito noon sa C5 QC, malapit kami sa UP Diliman, walking distance lang. Yung pwesto ng bahay namin nasa baba siya ng Highway, yung front view nung bahay mapuno, parang gubat na yung matatanaw mo. May malaking puno roon na makikita, hindi ko alam pero parang nakakahumaling siya sa mga naalala ko sa ngayon.

Sa tuwing malungkot/napapagalitan ako, nasa may tabi lang ako ng pintuan naka upo. Kahit hindi ako malungkot kasi tambyan yun ng Lola ko tuwing nagbibingo sila.

Isang gabi, nagkatuwaan kami ng mga mas nakakatanda kong kalaro, as in maingay kami tapos wala pang ilaw non sa labas. Kinagabihan, hindi ako mapalagay, maliban kasi sa kwento kong ito, nasabi ng Lola ko na tuwing gabi, may nagtitimpla ng kape kaya hindi iniiwanan ng Lola ko yung thermos na walang laman, kung hindi, magbabasag daw sila.

Nung lumalalim na yung gabi, bilang bata syempre nagmamasid ako noon para lang makatulog, hanggang sa makita ko yung mahabang buhok sa corner ng bahay namin. Pagkalipas ng ilang minuto, nagulat na lang ako, yung nakalaro ko sa labas nung gabi ring 'yon, nasa bahay namin, nakatingin sakin, parang niyaya ako, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na itanong non kung pano siya nakapasok kasi sarado na bahay namin.

Pagkatapos non, dun na ko nilagnat, matamlay ako, hindi ako kumakain kahit paborito ko pa yung ihanda sakin. Papunta kami sa tindahan nung kalaro ko na nakita kong nasa bahay namin, pasan niya ko sa likod, pero ramdam ko na may nakatingin sakin, at parang humahabol. Yung Lola ko, pinatingin ako dun sa kapatid ng asawa niya, which is manggagamot. Napansin niya na hindi parehas yung kulay ng mata ko, brown kasi kulay ng mata ko, tapos nung pinatingin ako, yung isa kulay itim. Pagkatingin sa mata ko, tiningnan din yung daliri ko, yung pinky finger, hindi raw pantay. Nung mga panahon na yon di ko alam gagawin ko, duwag akong bata, ayokong malaman kung anong meron.

Pagkatapos akong tingnan, sinabi sa Lola ko na may gustong kumuha sakin, mag asawa, wala raw kasing anak, at naaawa sakin. Sinabi nung manggagamot na ilang araw lang, kung hindi ako mapapagamot, kukuhanin nila ko. Bibigyan ako ng magarbong handaan, at once na kumain ako, wala na yung kaluluwa ko sa katawan ko, maninigas na lang daw ako pero yung kaluluwa ko, buhay. Para magamot ako, kailangan mag-alay ng dugo ng manok.

Proseso ng panggagamot sakin:

Pinaupo ako sa upuang bilog, at yung manggagamot magkatapatan kami, pinalibutan kami ng asin pabilog, saka sinunod yung dugo, pabilog din. Natatandaan ko, may kandila siyang hawak tapos pinapasunod niya yung mata ko ron, pagkalipas ng ilang minuto, sinabihan niya yung Lola ko na takpan ako ng makakapal na tela/bedsheet yung hindi ako makikita nung kukuha sakin. Tapos ang naririnig ko na lang noon, nag iba na yung boses nung manggagamot, kinakausap nung Lola ko yung "sumapi" ron sa manggagamot na huwag akong kunin dahil mahal na mahal nila ko, hindi ko na matandaan yung iba.

Nang matapos yon, tinanggal yung mga tela sa katawan ko, pawis na pawis ako, tapos pinagsuot ako ng pulang damit. Hindi ko alam kung ilang araw bago kami umalis don, pagkatapos nung pangyayaring yon, hindi ako bumalik ng ilang taon don, wala na talaga ako dapat balak bumalik, dahil sa takot na baka bumalik yon. Pero ayun, bumalik kami, wala namang nangyari sakin.

Nakakadoubt yung kwento ko alam ko, dahil sobrang detailed kung tutuusin, pero hindi na siya mawala sa isip ko. May mga pangyayari/konklusyon ng nabuo sa utak ko, nabuo na rin sa memorya ko yung mga posibleng mangyari sakin nung mga panahon na yon.

Tanong ko na lang din, bakit may mga bagay na nakatatak sa isip ko, halimbawa na lang nito ang libro, para siyang pocket book, kung saan ang naalala ko lang eh yung ibabang corner na may manok na ginilitan sa leeg?

reddit.com
u/JinjinirCrocky — 9 days ago