



Sulong Tayo Coalition and USC, The College Pubs Are Not There to Serve Your Interests
Kanina, undecided pa talaga ako kung sino ang iboboto ko sa univ-wide. Nagtanong pa nga ako dito kung totoo bang USC ang naglalawyer kay Pillas. At malinaw ang naging boto ko: I DID NOT VOTE FOR ANY USC INCUMBENTS.
Nagkaroon ako ng desisyon because of one post here attacking SINAG. As a campus journalist myself dati, nakakabahala kung paano biglang naging target ng coordinated attacks ang mga college publication dahil lamang naglabas sila ng ulat na hindi pabor sa ilang grupo at personalidad.
Hindi trabaho ng student publications ang protektahan ang reputasyon ng mga partido at student leaders. Hindi sila extension ng campaign machinery ninuman. Ang tungkulin nila ay mag-ulat, magsuri, at maglatag ng impormasyon para sa publiko kahit pa uncomfortable ito para sa mga nasa posisyon.
Kung may factual inaccuracies, edi sagutin nang maayos. Maglabas ng clarification. Magbigay ng counterstatement na I think ginawa niyo naman. Pero ang subukang i-frame ang publications bilang “irresponsable,” “sensationalist,” o “kalaban” dahil lang may inilabas silang hindi ninyo gusto ay napakadelikadong direksyon para sa demokrasya. Tapos dito niyo pa sa Reddit gagawin? Mga duwag!
Mas lalong hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng “victim-centeredness” bilang tabing para patahimikin ang campus press. Hindi mutually exclusive ang pagiging sensitive sa mga biktima at ang pagsusulong ng transparency at accountability. At hindi dapat ginagamit ang wika ng social justice para lang patahimikin ang kritisismo.
Kapag publications na ang tinatakot, dini-discredit, at ginagawang kalaban dahil lang ginagawa nila ang trabaho nila, malinaw na hindi na ito simpleng disagreement. Press intimidation na ito.
To STC and USC, the college publications are not there to serve your political interests. They serve the student body. Hindi ko alam kung kaya niyo yang gawin.