
I tried talking to TNVS drivers about politics
TLDR: People can change their opinions and they are willing to listen, but you should talk to them without being agressive
Kapag sumasakay kami ng partner ko ng TNVs, hindi talaga namin nakikipag usap sa driver about politics to avoid any conflict.
Pero dahil sa mga nangyayari sa country latety, I tried it twice this month and it's surprisingly an interesting experience!
I'll just add yung mga tumatak sa akin from the conversations.
1st driver
- the driver is a father of 2, ofw sa dubai for 20+ years
- he's from Antipolo so we talked about houses for sale there, traffic, and baha.
- during our convo about flooding, sabi nya na ang ganda ng flood control ng Marikina dahil kay MARCY, pero yung tubig daw na iba napupunta sa Antipolo. hindi daw kasi maganda yung flood control ng mayor nila dahil sa corruption (galing sa political dynasty yung mayor nilang si YNARES na asawa ng kapatid ni bong REVILLA)
- dahil dito hindi na daw sya boboto ng mga lumang pulutiko, yung mga BATA na lang daw gaya ni eli san fernando ng kamanggagawa partylist, barzaga, at leviste
- I AGREED na "oo nga po agree talaga ko dun sa sinusulong ni eli about abolishing the provincial rate" (agreeing to their good points is important!)
- BUT i told him, pero yan pong si leviste yung isa sa reason kung bakit may issue sa supply ng kuryente. may penalty sya because of this na 20+ billion because hindi nila nagawa yung contract na magsupply ng enough na kuryente within the agreed timeline, etc etc
- he was shocked and he said, "isa pa pala na pahirap yan, aalisin ko na sa listahan ko yan"
- based on my observation, example si kuya nung mga hindi full blown dds, kakampink or bbm supporter
- the whole convo, nasa neutral side sya, always naka angkla yung comments nya sa actions/ inactions nung mga pulitiko na namention nya more than their political colors
- most of all, tinitingnan nya yung effects ng ginagawa/ hindi nila ginagawa for his family
2nd driver
- this convo just happened this morning so mas maraming details
- kuya is in his 60s i think.
- it started nung nadaanan namin yung temp Pasig City hall. Then napunta kay Vico yung usapan and na ang ganda talaga ng pamalakad sa Pasig.
- sabi ko "sana ganito sa buong pilipinas except for the traffic". Then we both agreed na bottleneck kasi ng traffic from Rizal etc
- tapos napansin ko na naging comfortable na si kuya makipag usap
- namention nya na traffic is a sign of progress daw and nakita nya daw yun sa malaysia dahil ofw daw sya dun for 4 years. yung govt daw may long term plan, tayo daw wala. yung mga pulitiko daw natin puro pang sariling interes lang.
- and of course I AGREED.
- and he said puro inggitan lang sila, yung mga duterte may issue sa drugs, sila marcos may issue sa corruption
- tinanong ko sya, kuya bumoto po ba kayo nung 2022? Sabi nya "BINOTO KO LAHAT YAN. sana pala nag leni na lang ako"
- then he explained, "that time kasi naniwala talaga ko na babalik yung yaman ng pilipinas dahil maraming ninakaw noon, pero ilang bwan pa lang wala ng uniteam. walang kwenta talaga. ang iniisip ko kasi nun kung mag leni ako, papalibutan lang sya ng mga ADVISERS. kokontrolin lang sya"
- so with neutral tone, nagsabi ako na based sa history nya hindi naman syabganun etc etc. i think he's definitely choosing Leni if she runs
- i asked him about other personalities
- he shared na dati daw crush na crush nya si imee marcos. taga negros daw sya and nung bata bata sya nagpunta daw si imee sa kanila, nung nakita nya daw ang ganda ng kutis, pinangarap nya daw ba maging gf nya LOL. ngayon daw ayaw na ayaw na nya dun
- he said na si bbm drug addict pero hindi kagaya ni imee ang ugali, hindi bastos at magalang pa rin
- sabi ko, "kuya mas muka pang drug addict yung magkakapatid na duterte"
- sabi nya "oo syempre drug addict talaga yan. alam mo ba yung billion na dumaan sa bank account ni sara, galing yun sa drug lord. Tsaka mga bastos talaga magsalita
- tinanong ko sya sino gusto nya na maging senate president, sabi nya na si Zubiri dahil daw kasi hindi bumoto last time so ibig sabihin daw neutral sya
- dati daw sya hanga sya kay escudero pero involved daw pala sa flood control
- gusto nya mahuli si jinggoy
- ayaw nya daw sa mga tulfo kasi ang tapang tapang pero nung may barilan sa senate wala sila
- sabi ko "kuya kasi uwian na yun. may meeting daw po kasi silang lahat dapat pero sinabi ni cayetano na majority na lang, so umuwi na sila alangan naman umupo sila dun eh uwian na"
- nagulat ako na napahinto si kuya. mukang updated si kuya sa ibang details pero nagulat sya dito. parang light bulb moment ganun
- si risa daw ginagamit ni recto sa philhealth (sabi ko about philhealth issue, matagal na po sinabi na hindi sya involved dun. about dun sa nilipat na pera ni recto to philhealth, ang nag file ng case is si prof cielo na supporter ni risa
- si trillanes daw matapang, matalino pero may backdoor issue daw. may connection daw sa ibang bansa (i tried to answer this pero i dont have the specifics, pero i told him na isa si trillanes sa openly nagtatanggol sa Pilipinas vs China
- about marcoleta he said "isa pa yan. sayang matalino pa naman. hindi ka aatrasan sa debate pero pinapamigay piiipinas"
- overall he's NOT satisfied sa govt, pero he's VERY open to discuss
2 important learnings ko:
- when talking to people about politics, we should bring facts, yung may details pero madali intindihin. kasi dun nagbabago yung opinion nila
- make it as casual as possible. tumawa during convo! make the conversation as light as possible so makipagtawanan if needed
GUYS I THINK THERE'S HOPE ♥️✨