







SBMA Should clean this everyday
Hindi ko gets bakit ang SBMA hirap na hirap panatiliing malinis ang boardwalk area. Dapat may naka assign at least isang tao from maintenance department na taga pulot ng basura or mag invest sila sa equipment.
Ang boardwalk area is the highest concentration of tourist sa freeport. So everyday dapat ang beach cleanup, hindi isang event, monthly, or weekly DAPAT EVERYDAY.
Less than 1km stretch din ang shoreline ng boardwalk area, so I’m sure hindi ganun kahirap kung gagawin everyday. Dapat naglagay din ng maraming ilaw sa gabi at basurahan. Pati mga establishments ung drain pipes litaw na litaw na.
Kaya talong talo tayo ng clark simpleng paglinis ng dalampasigan, hindi natin magawa. Dagat na nga lng maipagmamalaki ng subic. No wonder we’re losing tourists.