May nakaka tanda / or naka basa ba nito, dito s reddit or twitter
Hindi ko alam bakit bigla nalang pumasok sa isip ko tong thought na to habang naka tambay during lunch break, siguro dahil na nunuod ako ng mga trailers ng upcoming na horror movies sa yt.
Pero, may nakaka tanda ba, or naka basa either dito sa reddit or twitter ng isang istorya.
Sa pag kakatanda ko, post ito ng isang tao, kung saan meron siyang kaibigan na nag imbita sa kanilang grupo ng mag kakaibigan sa kanilang probinsya para sa isang festival / yearly kaugalian na kung saan merong mga participants na sasailalim umano sa isang supernatural challenge, at kapag napag tagumapayan nila ito ay ma bibigyan sila ng kapangyarihan (parang sa panggagamot ata, di ko na matandaan clearly). Pero kapag di sila nag tagumpay ay malaki ang kapalit nito.
At yung poster, sa dulo ng post niya ni reveal na di nagtagumpay yung friend nila at currently catatonic nalang siya pati yung ibang di nag tagumpay sa challenge.
Sobrang na ngati lang utak ko kaka try matandaan.... baka lang may nakaka tanda or naka encounter nung story na yun. just out of curiosity. Otherwise, pwede ko naman din i post yung mga naging experience ko with the paranormal.
Thank you 😃