Sobrang toxic ng boss ko sa BPI-AIA
I recently started working at BPI-AIA as bancassurance sales executive, this is my first job sa sales and my previous work is sa BPO industry. Akala ko nung una sobrang okay ng work na to, pero ngayon after a few weeks gusto ko na mag resign. Sobrang toxic ng boss ko, nung una akala ko okay siya pero nung na deployed nako lumabas ang ka toxican niya. I know anong pinasok ko, syempre mag bebenta kami ng insurance, pero hindi siya madali. I am doing my best para maka benta and na nagagalit siya everytime na di bumibili yung mga nakakausap ko na client. Gusto niya pilitin ko sila hanggang sa pumayag, I've tried so hard naman pero madalas ay nagiging irate lang ang mga client so I let them go. Plus, he heavily favored yung mga BSE na nakaka benta, like nakikibiruan siya sakanila and nakikitawanan (ganyan siya sakin nung una) pero may one time na biniro ko siya, ante pinagalitan ako?! And earlier this week isang oras akong pinapagalitan dahil lang sa sinabi ng client na babalik siya bago ko siya nakausap (bumalik siya) nung time na yon gusto ko nalang lamunin ng lupa dahil maliit lang ang BPI branch at naririnig ng mga teller and Branch Manager. Everytime na nag c chat siya nag pa palpitate ako and everytime na makikita ko siyang pumapasok sa branch na naka duty ako nag kaka anxiety ako kasi alam ko babantayan at i c criticize nanaman niya bawat galaw ko. Gusto din niya na mag hanap ako ng client at maka benta over the weekend.
Gustong gusto ko na mag resign kaso may 15k na training bond. Kaso naiisip ko na di worth it na masira ang mental health ko sa 19k na sahod (may allowance na yan)
Ps. I've had my share of toxic bosses since I am from BPO industry, but this one takes the cake.