u/NATHA_LIANNA

Need a brutally honest advice

Incoming 3rd year educ student, akala ko hindi na ako makakaabot ng college, I am undiagnosed pero feel ko talaga may something sa mental health ko sobrang forgetful ko miske elementary at highschool days ko wala na ako masyadong maalala, mahirap lang kami at dayo dito sa lugar namin so madalas talaga ako ma bully noon at sunod lang ng sunod sa mga k klase kahit hindi naman tama, madalas ako ma guidance noon. ofw ang mama ko, ang papa ko naman laging wala dahil sa manila nag t trabaho. Ate ko lang nag babantay samin noon pero lagi akong sinasaktan ng ate ko kahit siguro maliit na bagay lang kaya lagi akong layas sa bahay. Sinisisi ko rin noon ang mama at papa ko kaya ako sutil na bata na bakit ang daming anak hindi naman pala kami kaya buhayin. Lima kaming magkakapatid isa pa lang nakakapag tapos, ako na sana ang next. Pumasok ako sa university na ’yon dahil mahirap lang kami, nasa utak ko lang kelangan ko makapag tapos para sa pamilya, hindi ako nakipag socialize pero may ka blockmate akong trans na sobrang sama ng lumalabas sa bunganga, unang araw pa lang ang dami na niyang na sabi sa mga tao sa school, kilala ko na siya dahil k klase ko rin siya nung SHS kami, matalino may ibubuga talaga, pero grabe ang lumalabas sa bunganga, wala pa akong ka close or kakilala non pero yung university na ’yon parang ang gusto lang makapag tapos ay nasa city lang nila at mga lalaki, sobra akong na bully nung humiwalay na sa’kin yung trans, proud ako nung sinabi kong lesbian ako at may gf, sobrang iwas ko sa lahat ng tao dahil selosa ang gf ko, lahat ng SHS friend ko na cut-off ko dahil nga selosa siya and bad influence raw sa’kin.

Maliit ang university hindi ako na sali sa lahat, yun pala ang university na ’yon na asa lang din sa mga student, para sa mga orgs, foundation day and kineme, sobrang sama ng mga tao pero mas masama pala ako dahil 2nd sem ko lang silang lahat nakilala nung naramdaman kong magagamit ko sila at may mga kakilala sila sa higher year at ang mga kapatid nila higher year na rin pala, d ako naki socialize.

Lagi ko tinuturuan mga k klase ko kapag sasagot mapa lalaki or babae yun pala ayaw nila yun, ako pala nag mumukhang alam lahat, subjective pala minsan mga nasasabi ko, ayoko i downplay sarili ko kaya nagmumukha akong masama kase lagi ko sinasabi ”kaya ko yan kahit hindi mag review” tapos lagi ko inaako lahat, feel ko na f feel nilang mayabang ako kapag ganon tapos feel ko ang tanga tanga ko, kahit masama na sinasabi nila miske sa mga instructor na oo lang ako and nag bibigay ng response na alam kong gusto nila marinig.

Gusto ko na mag undergraduate pero need ko raw kuhain sa MANILA lahat ng papers ko dahil working to be independent pa raw sila, napapagod na ako sa pag aaral, na b burnout na ako. please give me advice.

reddit.com
u/NATHA_LIANNA — 2 days ago