


DO NOT APPLY TO THIS COMPANY
Red flag company. Very abusive and corrupt. They're hiring now kasi ang taas masyado ng turnover rate nila, especially sa Account Management team, which they call Virtual Operations Management (VOM) team.
Management Team
It all started from all of the client churning that happened last year. Because of that madaming taong na-floating status. No work no pay. Pero they're still employed by the company. It is no secret that the management's strategy is to reinstate these floaters into a VOM (managerial) role to report to the CEO himself kahit na junior ICs lang sila. Walang sapat na training. Tapos si CEO, aabusuhin niya hanggang sa hindi na kayanin ng mga tao. Sabi nga nila "All or nothing".
Si CEO naman, kahit anong gawin nila, sumunod man sa sinabi niya o hindi, magagalit. May NTE every week. Ang NOD laging liable si employee kahit ang findings ay wala naman talagang kasalanan si employee. He has very unrealistic expectations. Gusto 100% perfect ang results. Pero kapag favorite niya yung tao, it's ok to make mistakes. "Launch the project, figure out the gaps, fill in those gaps." Pero kapag hindi niya gusto yung tao, unang launch palang 100% agad.
Take note: "promoted" sila without any increase. Sweldo ng mga junior ICs na ito 20,000 lang.
Colleagues and teammates
Very selfish and inconsiderate ang isang barkada. Ang yayabang. Ayaw makisama. Palibhasa sila ang "magagaling" sa buong company akala nila kung sino sila. Every time na onsite kami, sinasarili nila yung pinakamalaking room para hindi magamit ng iba. Sila ang pinapaburan ng management kasi magkakabarkada silang lahat. Kung bagong salta ka, hindi ka nila papansinin.
Kapag magrerequest ka ng ticket sa mga iyan, palaging low priority kasi madami daw silang urgent at high prio tickets. Totoo niyan ayaw lang nila gawin yung request mo kasi hindi ka nila gusto.
Compensation
Do not expect a much higher pay kasi ang laging dahilan, bumabagsak ang company, malaki ang client churn rate blah blah blah... Pero kung makagastos sila sa mga ibang bagay na hindi naman importante akala mo ang laki ng pasahod nila sa mga tao. Mga anghel na tago sa CEO may increase, mga VOMs wala kahit allowance.
Kung nagapply ka na dito, withdraw mo nalang application mo. Pasasalamatan mo pa akong binigyan kita ng warning. Papasok kang ok, lalabas kang durog na. Yung mga nagresign walang back up, kahit na hindi sapat ipon nila. Napakalala jan sa company na yan wag nyo ituloy.