
Hi! Anyone here na nagkasipon yung pusa nila? May I ask how much kaya yung estimated na nagastos niyo?
Context:
My cat (Raven), last year pa siya nagkasipon. I wasn't able na ipa-vet siya kasi kakapa-vet ko lang din noon sa dog namin, and I used up yung savings ko back in college. Nabilhan ko lang siya ng gamot over the counter which didn't work unfortunately. Sabi ko papa-vet ko na lang siya pag may work na ako.
Kumakain naman siya. Ang nagbago lang is nabawasan yung paglabas niya, but nung summer lumalabas pa rin siya at nagpapainit. I think umigi siya nung summer dahil siguro nabawasan congestion niya.
But now tag-ulan na ulit. When I woke up this morning, may nakita akong phlegm na may brown spots 😔. Unfortunately wala pa rin po akong work kasi nagrereview pa for boards (malapit na yung BE) so hindi ko pa siya mapa-vet. Parents ko kasi of course ipa-prioritize ang needs namin.
May I ask kung around magkano kaya ang need i-prepare if ever? Anong tests po ang possible na ipagawa? (so stressed before BE 😔 I don't know where and how to get the money huhu)
Thank you so much!