u/Ok-Contribution-5338

Any thoughts sa Lileth’s Events?

Okay naman halos lahat. Mga crew nila ay formal, mababait, approachable sa guest pag may kailangan. Last wedding nag attend kami tapos sila ang coor, parehas kami nang napansin ng kasama ko yung ang haba ng intro nila bago talaga mag start yung program. Yung meron parang nasa loob ka ng eroplano na may reminders keneme, tapos may host sila (bukod sa main host) na parang ang haba din ng pakulo tulad nung hello hello hi hi. Okay naman sana kaso parang nahabaan lang kami sa part na yan. Siguro nasa 10-15mins yung pakulo nilang yun. Tapos sabi pa nung kasama ko parang natabunan na yung kinasal. Dapat ang mas priority nilang ipagsigawan ay yung couple. Hindi naman pangit ang service nila pero dun lang talaga sa part na yun nahahabaan kami. Sana mabago kahit papaano yun.

Walang hate or bash. Review narin to sa kanila siguro.

reddit.com
u/Ok-Contribution-5338 — 10 days ago