Nganung daghan man kaayo mga Iyakin sa generation nyo?
Legit daghan kaayo mga iyakin diri..
A few days ago may nakit akong post sa Facebook, humingi ata ng tulong si ate kase yung bahay niya binaha dahil sa grabeng pag ulan. I opened the comment section expecting sympathy, pero imbes na ma awa, binash pa sya ng kapwa niyang Dabawenyos.
Sabi nila sinisira nya daw pangalan ng Davao. Sabi pa nga nila, if gusto raw ni ate ng bahay na hindi binabaha, eh sana sa Mt. Apo nalang siya tumira. Tinawag pa nilang bobo si ate kase humupa naman ang baha after a few hours.
Na alala ko nalang, a few weeks ago, may nagreklamo about sa Bangkerohan. Sabi niya minsan masyado nang mabaho ang market. She was hoping na sana may solution ang government para mapaganda naman ang area.
Ang ganda ng intention ng nag post, kasi hindi lang siya ang makikinabang kapag gumanda ang market kundi ang buong Davao.
Pero imbes na suportahan ang advocacy ng nag post, ang dami nanamang mga iyakin sa comment section. Sabi nila sinisira nanaman daw image ng Davao. Tinawag pang bobo ang nagpost kasi market naman raw so dapat mabaho??
Oo, alam ko. Grabe naman talaga ang ulan noong gabing iyon. As expected babaha naman talaga. Pero ayaw niyo bang mas gumanda pa flood control ng City natin to the point na zero baha na talaga kahit super lakas ng ulan?
Ayaw niyo ba na mas gumanda pa public market natin na kaya na natin sya maipagmayabang sa mundo?
Ayaw niyo bang mas gumanda pa mga buhay niyo?