u/Old_Pop_8412

Unfair Grading

Nakakadisappoint at nakaka-frustrate magkaroon ng professor na halos walang ambag sa pagtuturo pero sobrang unfair at unjustifiable magbigay ng grades. Ang lakas mag-demand ng requirements at professionalism, pero kapag students ang nagtatanong ng malinaw na basis ng grades, walang maayos na maipaliwanag.

Kami pa ang nasisisi sa mabagal na processing ng internship requirements kahit ilang linggo namang nakatengga ang klase dahil sa kawalan ng aksyon at maayos na instructions. Mabagal mag-disseminate ng mga infos, last minute magbigay ng directives, tapos ineexpect na agad-agad makakasunod lahat.

Mas nakakainis pa yung paggawa ng sariling rules at decisions na parang sapilitan dapat sundin dahil kapag hindi nag-comply, parang ginagamit pang panakot ang pagbagsak or graduation namin. Hindi na ito pagiging strict, abuso na sa authority at sobrang unfair sa students na ginagawa lang naman ang best nila para makapasa at makagraduate nang maayos.

Students deserve fairness, transparency, at professors na tunay na ginagawa ang responsibilidad nila, hindi yung puro pressure, favoritism, at paninisi.

reddit.com
u/Old_Pop_8412 — 4 days ago