u/PeterxQuill96

▲ 0 r/Gulong

From the CarsPH community on Reddit: Limping Issue (Wiring Issue or Mechanical Issue CVT?) Civic FC ko Hu

May naka experience na po ba ng ganitong scenario wherein nag limp mode ang Civic niyo? (blinking ang D) tapos may ibang icons din ang lumabas sa dashboard? Then Upon scanning ito yun mga lumabas na codes ay yun nasa picture. Bale kapag nirestart ang engine, nawawala yun nga warning sa dashboard then after umandae ng onti like 20kph lumalabas ulit yun mga icons sa video.

Pero ang hinala ko ay dahil sa pinalit na fuse ng busina (dating 10A-15A) since yun lumang 10A ay puputok.

Ito naman din ang hinala ng pangalawang electrician na nag check at nag scan, pero hindi niya chineck ang wiring at nag conclude siya na valve solenoid ang issue.

Pero sabi. ng unang electrician na nag scan need daw ibaba ang transmission since palyado na daw base sa error codes.

Dahil nagpalit ng 15A at hindi nagawa yun grounded na busina, nasunog yun wire (imbes na pumutok sa 10A) at nadamay yun wire ng transmission sensor.( fault code P0793) at since putok ang wire wala na siyang nafefeed na signal papuntang solenoid valve (P0796).

Iniisip ko kung kahit ibaba ang tranmission or magpalit ng mechanical parts, lalabas padin yun error kasi baka yun wire ay nasunog. Kaya sa tingin ko po ito ay wiring issue, if may mechanical failure man malalaman naman thru testing ng wiring and if magawa ang wire na sira, lalabas na yun fault code ng mechanical failure ng transmission.

NOTE: nag tanong din ako sa AI, at wiring issue din ang diagnosis ni AI.(see photos)

Sana po may makatulong 🙏🙏

u/PeterxQuill96 — 19 hours ago