u/PresentAppropriate84

Sinabihan ang tropa na di pa siya allowed maging kaibigan yung team kasi bago pa lang lol

Kinuwento lang sa akin ito. Nahihiya kasi i-post ang tropa at baka mapag-initan.

New hire si tropa. 7 days pa lang siya sa kumpanya. 1 day lang nag-turnover sa kanya yung outgoing officer. Syempre, medyo mabagal pa ang pacing ng buhay kasi nangangapa pa sa sistema (halos wala nga dahil manual daw lahat doon). Nagtatanong tanong pa lang siya, nakikipag-usap sa mga ka-trabaho kung kamusta ang culture, kamusta ang mga naging success nila sa trabaho (ayoko i-explain masyado yung nature of work at very specific ang business nila). Hindi naman masyadong successful pero pwede na. Mismong boss nila nagsabi na in X years ni outgoing officer, isa lang ang naging positive sa kanya.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang dami nang ineexpect sa tropa sa first week pa lang niya. Oo, naiintindihan namin na nagmamadali sila, pero yung paraan na kinausap si tropa parang naging kasalanan pa niya na ganoon nangyari sa kumpanya.

Non-verbatim, sinabihan daw si tropa na "hindi mo pa kayang maging warm sa kanila (mga ka-officemates) kasi bago ka pa lang, unless may nagawa ka nang positive for the company. Dapat araw araw inuupdate mo ako sa trabaho."

Like??? Sir, kakasimula pa lang niya, 'di ba? Sinabi mo rin naman na yung mga mukhang positive 'wag muna niyang unahan. So ano ba talaga? Ako yung nanggigil para sa kanya.

reddit.com
u/PresentAppropriate84 — 2 days ago