Graduate Bride Here!
Hello team bride , anong nafeel nung may nakita kayong guest na hindi sumunod sa dress code? 60 guest lang yung umattend sa wedding namin kaya kitang kita ko kung sino ang hindi sumunod sa dress code! Valid pa yung inis ko? Like, may nakita akong naka shirt and short tapos nakatsinelas na parang aattend ng sabong, meron nag long white dress na may headband na pang bride ang itsura(yung silver na maraming diamonds eme). Malinaw na nga sa invitation na strictly formal or casual attire and huwag magsuot ng white. Hindi ko naman masabi na wala silang pambili kase sa mga guests ko sila yung may mga kaya, naka kotse pa nung dumating. Siguro kase akala nila pipitsuging wedding lang yung kasal ko growing up kase palagi nilang minamaliit yung pamilya ko. Yung tipong may family reunion noon pero yung nanay at tatay ko nasa kusina nagluluto(relatives ko yung nakashort and tsinels🥹 Pero ayun nainis lang din ako sa nagsuot ng white long dress and nagpost pa sya ng”ikaw yung tipo ng tao na kahit anong event ayaw magpakabog”