u/Proper-Guidance4035

students deserve better

Ako lang ba, o hindi ko talaga maramdaman yung “quality education” na dapat nakukuha ko sa UST? Kasama ba talaga ito sa Big 4? Kasi bilang CFAD student, BS Interior Design, sobrang lala na ng burnout. At hindi dahil sa subjects—dahil sa mga prof.

Yung ID prof namin? Grabe talaga. Magtatanong ka dahil estudyante ka at gusto mong humingi ng opinion at guidance ng professor mo, sasabihin lang sayo: “Ikaw bahala.” Pero kapag nagpasa ka, sobrang baba ng grade. Ayaw niyo kaming magtanong, pero hindi ba kaya nga kami nandito para MATUTO?

At masakit sabihin, pero hindi nga namin maramdaman yung expertise niyo bilang professionals. Hindi niyo maipakita. Hindi niyo maituro.

Minamadali niyo kami sa tasks na hindi naman ganoon yung process na kinalakihan at itinuro samin noong first at second year. Gusto niyo sobrang creative, gusto niyo physical swatches pa—na by the way, hindi libre ang physical swatches. Hindi lahat may unlimited resources. Kung hinayaan niyo sana kaming gamitin yung oras namin sa paraan na tinuro at kinasanayan namin, hindi sana nagkakanda-leche-leche yung time management naming lahat.

May isa pa kaming prof na sobrang magpagawa ng requirements. Sobrang time-consuming, parang siya na yung pinakamajor sa lahat. Pero ang tanong: ano ba talagang naituro? Kasi parang gusto niyo lang yung credit ng pagiging demanding, pero wala namang substance.

Ang hirap respetuhin ng mga nakakatanda kapag wala rin kayong common decency na ibinabalik sa students.

At yung isa pa naming prof—puro chika. Wala po kaming natututunan. Puro kwento tungkol sa ibang prof, puro reklamo tungkol sa isa. Samantalang ironically, doon lang kami sa isang prof na yun may totoong natututunan.

Hindi na namin makita yung worth ng tuition na binabayaran namin. Porket Fine Arts ba, okay lang na ganito? Pumasok ako sa UST dahil naniniwala akong quality education ang makukuha ko. Pero kung ganito, parang hindi ko maintindihan bakit ito tinatawag na top school.

Tapos magtataka kayo bakit sa dami ng pumapasok, iilan lang pumapasa sa board exam? Bakit iilan lang ang nagto-top? Kasi paano magiging magaling ang estudyante kung mismong sistema ang pumapatay sa willingness niyang matuto?

Hindi challenge ang tawag dito. Ang challenge, may guidance. May mentorship. May pagtuturo. Ang ginagawa niyo, binabato niyo kami sa problema tapos bahala na kami.

Sinasabi niyong chinachallenge niyo kami. Pero kapag nagtatanong kami kung paano i-handle yung challenges, wala kayong sagot. Wala kayong maituro. So ano ba talaga ang purpose ng professor kung hindi mag-guide, magturo, at maghubog?

At isa pa—sobrang dali niyong magsabi na “part yan ng college,” “masasanay rin kayo,” “ganyan talaga.” Pero kailan niyo kami kinamusta? Kailan niyo inisip na baka hindi na kami nahihirapan—baka ubos na kami?

Kasi sa totoo lang, parang wala kayong pakialam sa mental health ng students niyo.

Hindi kami tamad. Hindi kami reklamador. Pagod lang kaming magbayad ng mahal para humingi ng edukasyon na pakiramdam namin, hindi naman namin natatanggap.

reddit.com
u/Proper-Guidance4035 — 5 days ago