u/ReceptionTiny1129

Additional pagkakakitaan?

May kainan yung pinsan and mama ko sa Nueva Ecija, sa barangay lang. Sizzling plates, short order, sisig-an.

Ano pa kayang p'wedeng idagdag na imbenta? 'Yung hindi kailangan ng additinal labor, 'yung p'wede sana bantayan na lang din ni mama if may bibili.

Walang upa kasi harap ng compound namin p'westo. Weekly ako umuuwi from Manila to Nueva Ecija, so iniisip ko mag-angkat sa Divisoria, gano'n.

Help naman sa ideas, need ko kumita in all possible ways as a single mom na only child 😭

reddit.com
u/ReceptionTiny1129 — 2 days ago