u/RottenBarcode_

I feel so lost

Hello. 27M. 3 years licensed.

I was 23 nung pumasa ako ng board exams. 4 months rest, tapos nagwork na ako bilang isang Site Engineer sa isang General Contractor na affiliated sa DPWH dito sa Bulacan. 3 years na ako sa company na to and, ang masasabi ko lang since nag start ako, iisang klase lang ng project ang nahawakan ko. 12 horizontal projects, lahat iisang uri. Not to mention na hindi rin naging maganda ang pamamalakad ng company at ng senior ko since ang number 1 priority is kumita, hindi ang structural integrity. Ngayon I'm planning to resign, at pumasok sa different field, Kaso parang wala naman akong natutuhan sa naging work ko. Implementation, hindi perfect. Structural analysis and Estimates? Provided na ng DPWH.

Gusto ko lang irant na parang pakiramdam ko nasayang lang yung 3 years ko. Gusto ko lumipat ng work pero natatakot ako kasi part of me iniisip ko na given na mayroon na akong 3 years sa industry at limited parin ang alam ko, feel ko hindi ako marketable. Nakakalungkot lang.

Share ko lang. Kung may gusto kayong sabihin, feel free. Gusto ko lang ilabas.

Salamat.

reddit.com
u/RottenBarcode_ — 5 days ago