Random guy asking for money
Hello! Baka na encounter niyo na to si kuya na nanghihingi ng pera o pagkain sa nasasalubong niya sa daan.
So si kuya na to, he looks pretty normal. naka cap, backpack, tube mask, shorts then tennis shoes. Kapag nakasalubong ka niya, bigla ka na lang niya kakamayan or mag a-apir sayo tas will talk about blessings kay lord, etc. galing pa daw siya manila or something tas linakad niya lang. then may divine intervention whatever tas is it ok hihingi ng food or kung may pera daw bibili ng pagkain. May pagka conyo si kuya kasi medyo straight bitaw ng mga english words niya.
I encountered him twice. The first time sa may likod ng kapitolyo and going siya sa likod ng PNR station about late 2025. bigla niya ako kinamayan then asked "do you have time?" sabi ko bakit. Then sabi niya, galing pa siya ng Batangas and nilakad niya papunta dito. prior to that galing siya Manila. Tinanong ko ba't naglakad ka lang then it's God's will daw bakit siya nakapunta siya dito. All the while I thought he was a Looper. yung naglalakad at nililibot yung mga probinsya. parang ganun yung pormahan niya din. although hindi naman malaki backpack niya. Then nagsimula na siya ng kwento niya na hindi ko maintindihan kung ano, but it was something religious. He started asking if pwede daw makahingi ng pera pang kain lang daw. tapos sabi ko wala ako cash ngayon eh. then bigla niya na lang ako tinalikuran at umalis, na parang na pissed off siya. Baka kasi siguro akala bibigyan ko kasi nakinig talaga ako sa kanya ng matagal. haha
The second time was this week lang. Sa may bayan din malapit sa 7/11 near capitolyo. nagulat ako nag apir sa akin bigla. Nag ask ulit if I have time. nag litaniya ulit about him walking from Manila and that there is a divine purpose, etc. this time I went straight to the point and asked ano need niya. He said he wants food or money daw. Then I said I actually met him already before, tas biglang nag shift ng konti yung tone, sabi niya "sa dami ng naka meet ko hindi ko na masabi sino yung ahas, baka ikaw ang ahas diba, we'll never know." Tas tumawa lang ako then I let him talk again, hanggang sa parang naubusan na siya ng sasabihin, then umalis na lang ulit bigla, continuing his journey elsewhere.
Baka lang na encounter niyo na din. What do you think is up with this guy?