
Karton gusto, cat bed ayaw
Kaya ang daming parcel boxes na hindi ko matapon kasi kini-claim kaagad after unboxing 😮💨

Kaya ang daming parcel boxes na hindi ko matapon kasi kini-claim kaagad after unboxing 😮💨
Sino na nakagamit nitong invisible powder ng dazzle me? Lagi ko kasing nakikita sa ads ko kaya na curious na rin kung maganda siyang gamitin haha ┐(´ー`)┌
And maganda rin ba ang mga products ng dazzle me brand? Any recos?
Broke my pink mug with a big bow on the handle, so I bought 3 more 🙂↔️
Here's one of them!!
Hi! I'm currently living alone with my cats (for a year na). This is the third time na lumipat kami ng bahay (1st: prone to sunog yung neighborhood; 2nd: cat haters yung mga homeowners ng subdivision).
Yung inuupahan kong bahay is 23k ang monthly. Half kami ng bayad ng father ko kahit hindi sila dito nakatira (nasa province both parents ko, and I'm here sa city kasi dito ako nagwo-work). 2 bedrooms yung bahay, malaki, atsaka spacious. Hindi siya subdivision. Gated house siya.
1 year pa lang akong nakatira magisa kasi before this kasama ko yung sibling ko at partner niya. But nasa abroad na sila ngayon.
Eto kasi yung reasons bakit gusto kong humanap ng ibang bahay:
Nalalakihan ako sa rent, especially kasi medyo old na yung bahay. Parang hindi siya worth it sa price. Ang daming repairs na ginawa sa 1 year na nakatira ako dito magisa (leaking faucets and water tank, lights). Tapos yung storage room below the stairs super humid, to the point na nagkakamolds yung mga gamit kaya wala akong nilalagay doon. Then if malakas yung ulan and the direction is towards the window, pumapasok yung tubig sa mga kwarto.
Nagui-guilty ako na bumabayad pa rin yung parents ko sa mga bills ko (electric bills and half ng house rent). Kahit lagi nilang sinasabi na okay lang sa kanila (may mga trabaho sila and wala nang batang pinapa-aral, graduate na kaming lahat)
Dalawa ang bahay na pinapaupahan ng owner, magkatabi lang inside sa gated na lupa. Nasa house 2 ako and then they're currently looking for renters sa house 1. Iisa lang ang water bill ng dalawang bahay. Though may separate meter for house 1 na pwedeng gamitin to calculate their bill, but thinking about the logistics sa bayad, parang ang complicated especially if yung magre-rent sa house 1 is hindi nakikipagcommunicate ng maayos
I'm not great with strangers. Sobrang introvert ko 😭 and what if sarado yung gate sa loob ng bahay and nasa labas ako. Tapos wala akong contact sa kanila then hindi ako mabubuksan ng gate.
Baka ayaw nila ng cats 🥹 natatakot ako baka anong gawin nila if ever ayaw nila ng pusa (I KNOW I SOUND SO JUDGEMENTAL HUHU, pero based kasi sa exp ko before, ang daming tao na ayaw sa pusa)
Reasons for second-guessing:
The logistics. Yung mga gamit sa bahay. I have to pack a lot of things tapos ako lang magisa. And sobrang gastos.
Magaadjust nanaman cats ko sa new neighborhood. Dito kasi sobrang swerte ko sa neighbors kasi may mga pet cats rin sila and close ko na mga pusa nila. To the point na sometimes nakikikain sila sa bahay with my other cats and I had them spayed and neutered na rin.
I'm so sorry if sobrang lengthy ng post ko and baka confusing yung grammar ko for u 😭