u/SorbetStatus9995

pwede ba magtransfer next term?

hi po! ask lang if pwede magtransfer next term sa nu moa? planning to transfer sa bsit program. hindi kase nakaabot sa first term kasi kulang pa requirements. if yes po pwede po makahingi copy ng school calendar para po malaman if kailan ko need magasikaso? thank you!

reddit.com
u/SorbetStatus9995 — 5 days ago
▲ 4 r/PetsPH

pusa ng ibang tao kami namomroblema, ano dapat gawin?

maraming pusa sa compound namin ang pumapasok sa bahay namin. may times na kumukuha sila ng pagkain, and one time nahuli ko pa na sobrang dumi na nakahiga sa kama ko.

i understand naman na kailangan nila ng pagkain at shelter, and i'm not blaming the cats for this. my concern is hindi naman kami ang owner at wala rin kaming capacity na alagaan sila. hindi namin kayang i-adopt sila financially and mentally, and may rhinitis din ako kaya hindi talaga practical para sa amin na mag-alaga.

sobrang inconvenient din kasi minsan kakain ka na sana tapos makikita mong kinuha na pala ng pusa yung ulam. hihiga ka na sana pero kailangan mo munang maglinis ng kama dahil may pusang pumasok at humiga roon.

yung isang pusa may owner naman pero hinahayaan lang lumabas-labas. yung iba naman, hindi ko na alam kung may owner pa dahil umalis na yung original na may-ari.

gusto ko lang sana is malaman kung ano yung way para ma-address ito, preferably yung solution na hindi rin mapapahamak yung mga pusa. iniisip ko sana magtanong sa barangay, pero worried ako sa impound based sa nakikita ko about it.

ano kaya ang best thing to do sa ganitong situation? may organization, animal welfare group, or ibang proper channel ba na pwedeng lapitan para matulungan yung mga pusa at the same time ma-resolve yung problem namin sa bahay?

badly need advice. thank you!

reddit.com
u/SorbetStatus9995 — 6 days ago