u/Spiritual_Street_638

Nmax v2.1 Biglang nawalan power

Story Time. Habang binabagtas ko kahabaan ng Mindanao Ave lalo sa ginagawang train sa may tandang sora. medyo mabasa ang daan at malubak lalo na sa may left side kung nasaan yung mga bakal tapos bigla na lang nawalan ng hatak yung takbo ko. hindi ko na nararamdaman yung vibrate ng makita kaya kahit anong piga ko ay wala na. Hindi naman nawalan ng kuryente o hindi ko naman na switch yung knob. pero yung pinindot ko yung push start gumana naman agad.

possible kaya sa side stand biglang gumalaw kasi malubak ata nadaanan ko kaya biglang namatay yung makita? o may tama na yung makita nakaraan kasi nag check engine sya dahil sa ERROR 12.

reddit.com
u/Spiritual_Street_638 — 25 days ago