📣 CALL FOR PARTICIPANTS 📣: FGD Participants para sa Thesis
Hello po!
Kami po ay mga estudyante mula sa Pamantasan ng De La Salle at kasalukuyang nagsasagawa ng undergraduate thesis tungkol sa mga social media influencers na nagbabago ng kanilang paninindigang pulitika at sa pananaw ng kanilang mga followers noong Trillion Peso March.
Naghahanap kami ng mga kalahok para sa isang Focus Group Discussion!
Maaaring sumali kung ikaw ay:
- 18 taong gulang pataas;
- Aktibong gumagamit ng social media;
- Pamilyar kay M Zhayt at sa kanyang mga content o mga pampublikong pahayag tungkol sa politika;
- Nakipag-interact na sa kaniyang content (hal. Nag-like, nag-comment, o nag-share);
- Pamilyar o nakakasubaybay sa ilan sa kaniyang mga pampublikong paninindigan o political posts
Detalye ng FGD:
- Tinatayang tatagal: 60 - 90 minuto
- Isasagawa face-to-face within Metro Manila, depende sa mapagkakasunduang iskedyul.
Sa FGD, pag-uusapan natin ang inyong mga pananaw tungkol sa:
- Kredibilidad ng mga social media influencer;
- Pagbabago ng kanilang mga pampulitikang paninindigan; at
- Paano ito nakaaapekto sa kanilang mga tagasubaysay
Ligtas at kumpidensyal ang lahat ng iyong sagot alinsunod sa Data Privacy Act of 2012. Bukod dito, magkakaroon ng pagpirma ng informed consent form na kailangang basahin at lagdaan. Nakasaad dito ang layunin ng aming pag-aaral, proseso ng pananaliksik, at ang inyong mga karapatan bilang kalahok.
Ang lahat ng impormasyong inyong ibabahagi ay mananatiling kumpidensiyal, gagamitan ng pseudonym, at gagamitin lamang para sa layuning akademiko.
Bilang pasasalamat sa inyong oras at mahahalagang pananaw, magbibigay kami ng token of appreciation pagkatapos ng iyong paglahok.
Kung interesado kayong lumahok o may mga katanungan, maaari kaming i-message sa account na ito.
Maraming salamat!