Sundo
It's been how many months since yari ito sa Amin.
Namatay Yung Lola ko month of February, on her 2nd night kumpleto kaming family at habang kwentuhan Meron Akong pamangkin na 4 years old na bumulong sa ate nya at sabay turo sa casket ni nanay. Bigla napatayo ate nya at sabay sigaw "anung si papa Lolo eeh patay na si papa Lolo", Yun Pala Ang binulong nya sa ate nya na andun daw sa tabi ng casket ni nanay Ang Lolo nya. (Nakilala lang ng batang ito Ang Lolo nya dahil sa picture - anak ng Lola ko) Nagulat kaming lahat at kinilabutan Kasi panay pa din turo at sabay sabi "hi papa Lolo" Yung niece ko.
During cremation ni nanay, tinuro na naman ni niece na si papa Lolo daw ay nandun pa din sa tabi ng casket ni nanay during sa last viewing. After mahimasmasan kaming lahat napagusapan namin na mukhang totoo talaga Yung "sundo" Kasi during buhay pa si nanay lagi nyang binabanggit Yung Tito ko nga na Hindi daw sya iiwan dahil magsasama pa daw Sila at lagi syang may sinasabi na may lalaki daw sa kwarto na nakatingin sa kanya.
Eventually, natuwa kaming lahat Kasi Yung namatay si nanay Hindi sya nahirapan, huminga lang sya ng malalim then Yun na, alam namin binantayan talaga sya ni Tito during those times until last day nya with us. We miss both of them. Sobra