u/TinyImplement7430

Am I too mahina and bobo for the job?

My first time working. Just wanted to rant (share my experience). I am well aware na sa hospitality field bawal ang mahina loob, naka tatak na sa mindset ko kung anong klaseng enviroment ang pwede ko ma-encounter.

Nag start ako mag work sa position na never ko na experience. Bago lahat sakin, sabak agad. I am very thankful sa mga workmates ko na nag guide sakin. Pero during the fourth day of my work, nagkamali ako as in malala kasi about charge siya. Saking mali talaga siya, hindi ko agad nalapit sa management or superior during first encounter. Galit na galit manager ko and understandable yon, aminado ako sa mali ko talaga. I formally apologized and made a report about it.

Nung first day ko palang I sensed na parang hindi ako gusto ng manager and okay naman sakin kasi ang goal ko ay to work and earn money. Sa iba ayos naman siya, nakakapag joke pero pag sakin parang invisible ako at laging nakasimangot.

Tapos may nangyari na hindi naman ako ang may kasalanan pero pinalabas na ako ang dahilan bakit nagkaroon ng incident. Nabaliktad ang storya sa management, lumabas na isa akong irresponsable at walang pake when in fact ginawa ko talaga ang best at part ko that time. Yung kasalanan ng isa sa akin diniin. Kung ano-ano pa sinabi sakin sa harap pa ng maraming tao. Ang mali ko, nanahimik lang ako. Pakiramdam ko kasi maiiyak lang ako kapag pinaglaban ko ang sarili ko, nag report ako ng maayos sa kaniya pero iba ang pinalabas niya. Pag katapos non palagi niya na sakin pinapamukha yung incident at ako pa rin sinisisi. Dito ako na windang at gulat kasi nangyayari pala ang ganito, at sa akin talaga. Yung respeto at admiration ko sa kanina ay nawala.

Lagi niya ako pinapagalitan at mainit ang ulo sa mga bagay. Nag open up ako sa ibang tao for self reflection para ma-improve ko ang sarili ko kung ako yung mali. Kasi nakakarinig na ako ng downgrading words na hindi naman tugma sa kilos at salita ko. Lahat ng napag tanungan ko sinabi na walang mali sa actions ko at wordings. Nakaka drain na actually. Hindi ko alam gagawin ko kung mag quit ba ako kaso ayoko maging mukhang mahina. Nasa isip ko na kung hindi ako mag stay sa environment na ganito pano ako mag go-grow? Kung hindi ko pala kaya yung “reyalidad” sa sinasabi nila? Pero pagod na pagod na ako dahil sa isang tao lang. Pagod, luha, self-doubt, mentally draining ang nakikita ko naman kapag ipagpapatuloy ko pa.

Feel free to share their thoughts. Maraming Salamat.

reddit.com
u/TinyImplement7430 — 2 days ago