u/Wonderful-Engine1230

PLE Appreciation Post for Doc R of EMD

PLE Appreciation Post for Doc R of EMD

Malapit na akong hindi magshow up sa Day 3 at Day 4 ng PLE… Sobrang bigat na ng pagod at takot, lalo na kapag iniisip ko kung sapat ba lahat ng pinag-aralan ko. Pero kahapon, sa EMD Surgery Final Coaching ni Doc Rob, kahit papaano bumalik ’yung loob kong lumaban. Ang dami niyang questions at topics na halos kapareho ng mga na-encounter namin noong Day 1 at Day 2. Doc, parang masama na po ang pakiramdam ninyo habang nagtuturo, pero tuloy pa rin kayo para matapos natin ang lecture. Hindi n’yo po siguro alam kung gaano kalaking bagay ’yon sa aming ubos na rin ang lakas at tiwala sa sarili. Salamat po sa dedication at sa high-yield lectures mula pa noon. Pumasok akong naghahanap ng mga huling mairereview; natapos akong may lakas ng loob na sumubok ulit. Salamat po, Doc. Lalaban ulit kami sa Day 3 at Day 4.

https://preview.redd.it/c24c8o7v4yth1.png?width=962&format=png&auto=webp&s=0ce614f4c87cc8cdebd03ca4ef030434aa429006

reddit.com
u/Wonderful-Engine1230 — 9 days ago