▲ 1 r/DogsPH
Seryosong tanong: magagalit ba kayo pag may nanilip sa inyong aso sa mall cr?
Tipong pagtingin mo sa baba ng cubicle, may nakasilip na sayong aso. 🐶👀
Sinasaway ko naman pero ang saya nya kasi pag nadidiscover sya na may tao sa kabila. Syempre di naman sya pumapasok sa kabilang cubicle kasi nakaleash sya so mukha nya lang yung makikita mo.
Sinubukan ko din ikalong sya while I'm peeing pero ang hirap. So binibilisan ko nalang. 😩
Maiinis ba kayo pag naka-encounter kayo ng ganito?
Edit to add:
Wala pang 5 seconds nagla-last yung pagsilip nya kasi inaalis ko din agad pero syempre baka nagugulat/nako-conscious yung nasa kabila
I'm training na din para mawala na yung habit na to
u/alwaysalmosts — 14 hours ago