Thoughts
Hi po, thoughts ko lang po regarding sa online synchronous classes this week po pero I'm not sure papo kung totoo kasi wala papong memo. Naiintindihan naman po namin na kailangan pa rin nating maipagpatuloy ang klase kahit may bagyo, pero sana ma-consider din po yung safety at situation ng bawat student. May mga students po na lubog sa baha, may iba na kailangang lumikas, at meron din pong unstable ang internet at kuryente dahil sa weather.Kung sakaling may bagyo at unsafe ang situation, sana po magkaroon din ng Tayo consideration sa students na hindi makaka-attend ng synchronous class. Hindi naman po lahat ng students ay may same access sa stable internet, electricity, at safe na lugar para makapag-online class.Para po sa akin, mas important pa rin po yung safety namin mga students kaysa sa attendance sa online synchronous class. Sana po magkaroon ng alternative, tulad ng recorded discussion, modules, or reasonable consideration sa attendance and activities para sa mga students na directly affected ng bagyo.We understand po na kailangan nating ipagpatuloy ang learning, pero sana po maging flexible din tayo kapag may emergency / malalang weather. Safety first po sana, while still making sure na hindi napag-iiwanan ang mga students sa lessons.
Binabaha na yung iba pero online class pa rin. Madaling sabihin na “online na lang” kapag nasa maayos, tuyo, at ligtas kang lugar. Pero sana maisip din kung ano ang sitwasyon ng ibang estudyante. May iba na nag-aalala sa bahay nila, may mga gamit na kailangang iligtas, may unstable na internet, nawawalan ng kuryente, at higit sa lahat, iniisip kung ligtas pa ba sila.
Hindi naman namin sinasabing ayaw naming pumasok o matuto. Ang hinihingi lang naman ay konting consideration. Hindi pare-pareho ang sitwasyon ng bawat estudyante. Kung kaya ng iba, hindi ibig sabihin kaya rin ng lahat.
Sa panahon na ganito, sana hindi lang attendance at klase ang nakikita. Sana makita rin yung mga estudyanteng hirap na hirap nang makasabay dahil inuuna muna nilang maging ligtas. Education is important, pero safety should always come first.