▲ 274 r/OnlyPusa

First time seeing her sleep like this

Nakapatong yan siya sa pillows sa kama (spot niya). First time ko lang na nakita siya naka ganyan, usually naka tihaya yan siya or nasa side. Mejo funny at cute pero may halong kaba din kase unusual.

Ganyan din ba cats nyo?

u/crispybulgogii — 10 days ago

Thoughts nyo sa bagong story ni Papa Dudut - Sugo

SUGO | PAPA DUDUT HORROR STORY

Mejo may goosebumps rin.

Story has political undertones. It starts sa possession ni Metatron daw sa isang bata to give out warnings sa ate niya. Predictions about upcoming world war 3. Walking dead zombies. Beyond salvation na ang Philippines daw unless ma tama ang mga mali.

Parang plot lang ng World War Z.

reddit.com
u/crispybulgogii — 22 days ago

Ritual para sa nawawalang bata dito samin

May nawawalang bata dito samin, mga mahigit 3 days na ata pinaghahanap.

Update: Nakita na nang walang buhay ang bata :(

News

May video na nag ri-ritual sila nagbabasakali na makita ang bata o ibalik na yung bata.

Video

May kwento din samin yung pinupuntahan ko na maliit na computer shop. Naging close na ako sa kanila kase di naman ako maingay pag nag lalaro tsaka ako lang ata nag a-assignment sa shop nila. Kaya minsan dun na ako pinapagamit sa computer nila sa loob ng bahay para maka pag print.

Yung family nila, puro sila mga mestiza tsaka mestizo. May bata sa kanila na sobrang cute din. Nabalitaan ko nalang na namatay yung bata, di naman daw nawala pero may mga tao daw tsaka yung mama nung bata, na ang tingin nila sa bata sa kabaong ay bani daw o yung puno ng saging lang.

Ang sabi, nagustugan daw ng nga di ingon nato o mga elemental yung bata tas di na binalik.

Di na din ako nag tanong2 pa or sa kanila kase mabait talaga silang pamilya tsaka mejo private at shy. Sila lang ata pinaka-calmado dun sa barangay namin.

Hopefully, makita na yung batang nawawala sa amin na safe and walang masamang nangyari.

reddit.com
u/crispybulgogii — 25 days ago

Lumuwa daw ng Itim na Itlog pinsan ko

Second hand experience lang din to and connected to sa story ko dun sa dwende na nag hitch samin pag lipat daw eto yun

So ayun, kase napabilib yung nanay ko sa mananmbal, pumunta si nanay ko sa kanila kase masakit na kase tuhod nya that time and parang ipapagamot nya ata (mahilig kase siya sa ganyan kahit sobrang religious). Sinama nya pinsan ko para mag drive.

Etong pinsan ko nato, sobrang babaero talaga. Kahit ngayon, andami na anak e pero parang nag babago na siya di ako sure. Ayun nga, that time, kase nalaro siya ng liga sa surigao, lahat siguro ng barangay may babae siya.

Eh andun na siya sa tambalanan, sinali na lang siya ng nanay ko na padasalan kase mag pupulis siya nito. Di din nasabi ni nanay na andami babae nitong pinsan ko pero -

Nagulat nalang sila ni nanay nang sabihin ng mananambal na na-aswang daw yung pinsan ko kaka-i**t ng babae, tas may pinapainum na lana o parang yung gamot.

Pagkatapos nun, lumuwa daw pinsan ko ng itim na itlog tapos sabi ng mananambal e yun daw ang pinasa sa kanya ng babae.

Di ako sure if totoo ba yung sa itlog na part or baka na scam lang sila. Pero kung ano man yun, natigil din pinsan ko pero sa di tumagal, bumalik naman sa dati.

Moral lesson na din yun sa akin nung pagkadinig ko nung bata pa ako. Yun lang.

reddit.com
u/crispybulgogii — 26 days ago

Naki-hitch daw yung dwende sa amin

For context, lumipat sila ng lola ko from Surigao to Agusan nung mga 2010 ata yun. Iniwan nila yung bahay namin dun tas pina rent nalang, dinala nila lahat ng furniture - yung mga narra ba yun.

Nung nasa Agusan na sila, may pinaputol sila na mangga sa likod tas may pinapunta na mananambal (may kwento din ako dito yung cousin kung lumuwa ng itim na itlog daw).

Dinasalan lang naman nya yung mangga tas sinabi na wala naman daw mga masasamang elemento sa bahay, may occasional white lady lang daw lol tsaka mga jatot or mga duwende.

Yung mga duwende daw galing pa surigao - kaso sabi ng lola di naman daw nya nasabi na taga surigao sila. Ang sabi baka naki-hitch hike daw sa sasakyan. May napunta sa bahay nila lola tsaka sa amin din daw.

Ang tanong, nakakapag-abroad din ba sila?

reddit.com
u/crispybulgogii — 27 days ago

What do you think about deja vu?

"Wala po akong alam na french word" hehe de jk

---

I had this thought weeks ago about deja vu and ano talaga siya. Di kase ako makatulog kaya kahit ano nalang iniisip ko para antukin.

Diha pag deja vu - parang nagiging familiar tayo sa iyang situation na para bang nangyari na siya before, or parang may premonition tayo sa panaginip natin before na mangyari siya.

My take on it is it's connected dun sa pag namatay daw tayo, nag f-flashback daw lahat ng memories natin.

What if deja vu is similar. Pero what flashes before us is a glimpse lang sa life natin including the future kasi di naman tayo namamatay pag nag de-deja vu, just a bit of the future mixed with the present.

Just a nudge sa spacetime fabric - which also involves 4-dimensional continuum. ewan.

Imagine it's just a dream that we are living paulit-ulit - or a nightmare.

A book na baka namali lang ng page na turn.

Makes sense when it comes to dying, we only see memories kasi wala namang future na makikita e- parang end of the line kumbaga.

reddit.com
u/crispybulgogii — 1 month ago

Ghost Encounter while taking CSC Exam

Hi! This is way back 2018. Kaka graduate ko lang ng senior high and sinama ako ng kuya mag take ng csc exam. I wrote this kase isa to sa mga affirmations ko na siguro totoo nga talaga.

So there i was - taking the exam, and naiihi ako. Mind you, i was so focused sa exam, kahit papunta ako sa cr, nag iisip pa din ako sa answer.

Ang cr sa CSC building namin dito ay nasa likod ng building, parang storage hall nila. Di naman madilim, parang normal lang. Imagine normal warehouse. Pag labas mo ng examination room may parang maliit na hall tas sa dulo yong parang storage warehouse, tsaka nasa right yung papuntang cr.

Pagkabukas ko sa door papuntang hall - wala talaga akong iniisip na iba dito, walang na fefeel na mabigat AS IN WALA puro exam lang nasa isip ko nun, then out of nowhere may nakita akong dumaan na figure parang batang babae papunta dun sa side sa cr, mga grade school siguro na height parang ganun.

Di ko pinansin e kaya nagpatuloy lang ako.

Pagka dating sa dulo, mga few seconds lang, walang tao tapos dead end na. Cr na yun tsaka mga pile ng storage. Bukas ang Cr, walang tao.

Di nako nag isip e, bumalik nalang ako sa exam. Naghintay nalang ako ulit pag meron na kasama.

Isa to sa mga affirmations ko na meron nga talaga ganung mga bagay. Im a skeptic growing up and to think na wala naman akong iniisip na iba during that time tapos may na experience ako.

so ayun.

reddit.com
u/crispybulgogii — 2 months ago

Philippine Folklore

I'm not sure if it's only in the Philippines but I know Japan has the same like spirited away but we have a thing called "Lamat". It's when you're lost at the forest or stuck and cant get out from one place or the road feels like it doesnt end. One thing we're supposed to do is just reverse our clothing or turning our clothes inside out. We'd always talk about doing it whenever Google Maps tries to fk us over.

So it'd be funny if that's all they need to do to get out from that place or a filipino family just passes through the town with reverse clothing.

Just wondering if other countries also have that folklore.

reddit.com
u/crispybulgogii — 2 months ago