I think I have a curse na pag may nakikita ako, nakikita rin ng kasama ko.
I want to share my experiences, and I think this is going be long.
I (27F) started seeing ghosts bata pa lang ako. Hindi ko masasabing sanay na ko dahil di naman ako lagi nakakakita at madalas nagugulat pa rin ako pag nakakakita ako. Sabi ng tita ko (who's the only one who believed me) sakin nung bata pa ko, wag na wag ko raw tititigan at kakausapin ang mga nakikita ko at sinunod ko yon hanggang ngayon. Tuwing may nakikita ako, iniiba ko agad yung tingin ko o kaya pumipikit ako at never akong tumingin sa mga mukha nila dahil honestly, natatakot din naman ako.
My high school friends know about it dahil pag may pinupuntahan kami na isang lugar o bahay minsan pag nakakaramdam ako ng bigat, napapansin nila agad yon dahil tumatahimik ako kaya nagsasabi na lang ako ng excuses na lipat na lang kami ng ibang lugar at madalas sa bahay na lang namin kami nags-stay.
One time, nasa bahay kami ng isang kaklase namin para gumawa ng group project (strict ang parents niya at bawal siyang ginagabi sa labas) and late na kami natapos. Nung natapos kami, habang nagaayos kami ng gamit, tinanong ako ng kaibigan ko (Jay) kung totoo raw ba talagang nakakakita ako dahil hindi raw siya naniniwala sa mga ganun. Ayokong pinaguusapan yung topic na yon sa mga mabibigat na lugar kaya madalas hindi na ko nage-explain at lagi ko na lang sinasabi na, "nasa sayo naman yan kung maniniwala ka o hindi". Nung natapos na kami magligpit, umuwi na rin kami. Tatlo kami sa isang motor, probinsya naman kasi kaya okay lang. Yung isang kaklase namin yung nagda-drive tapos si Jay sa gitna tapos ako sa dulo. Medyo madilim yung mga dinadaanan namin (bukid part yon sa province namin) at lagi kong pinapaalala sa nagdadrive na bumusina siya sa mga tulay at mga part na walang poste. Habang nasa byahe, tumawag sakin yung mama ko asking kung pauwi na ba kami. Saktong dumaan kami sa tulay non at hindi ko napaalala sa kaklase ko na bumusina. Di pa kami nakakalagpas ng tulay, may nakita akong babaeng nakatayo sa gilid at bago pa ko makapagreact, biglang nagmura ng malakas si Jay. Tapos tinanong niya sakin yung nakita ko raw ba (like confirming kung totoo yung nakita niya) and I answered yes habang yung driver naman namin, tanong nang tanong kung bakit at kung ano ba yon pero di namin siya sinagot at sinabi ko na lang na magdrive na lang.
Years later, sa Manila na ko nagcollege. Yung school na pinasukan ko, almost a hundred years old na that time at marami na kong naririnig na stories (sa pinsan kong dun nag-aral) na marami nga raw don. This time, I decided not to tell my classmates about it, about me seeing ghosts at kahit sinong magiging kaibigan ko sa school na yon. One night, late na kami natapos magmeeting sa org, mga past 8pm na rin so madilim na talaga. Habang nagre-retouch pa yung iba, napatingin ako sa pinto (may maliit na glass sa taas yung pinto namin) tapos nakita ko may nakatalikod na babaeng nakatayo. Napatingin din yung mga kasama ko at nakita din nilang lahat. Akala nila may hinihintay lang tapos nagtanong pa yung isa kong kasama ng, "Yes? Sino hinihintay mo?" I stopped her from talking further nung narealize kong hindi gumagalaw yung nasa pinto tapos lahat silang kasama ko, tahimik lang. Then the ghost walked away slowly. Sobrang nagpanic yung dalawa naming kasama at tatakbo sana sila palabas pero hindi nila mabuksan yung pinto at lalong nagpanic yung iba. Lahat kami tinry naming buksan isa-isa yung pinto pero di namin mabuksan kahit nasa loob naman yung lock. Hanggang sa nacontact namin yung guard sa baba para pagbuksan kami ng pinto at nagtataka rin yung guard kung bakit hindi mabuksan. The next day they talked about it during out meeting (in a different room) but I stayed silent thinking it's my fault.
Matagal na kami ng boyfriend ko, alam niya yung mga tungkol don at ayaw niyang pinaguusapan namin yon dahil sobrang matatakutin siya. Hindi siya nanunuod ng horror movies at hindi siya natutulog ng patay yung ilaw unless may kasama. Tinanong ko pa siya dati nung bago pa lang kami kung bakit masyado siyang matatakutin thinking na baka may nakita na rin siya dati or may past experience but he just simply said na wala at ayaw niya maexperience yon dahil baka raw atakihin siya sa puso. One time, we were driving home from Tagaytay to Nasugbu at nagkukwento kami ng mga nakakatawang memories namin then suddenly may nakita akong nakalutang na white cloth sa harap namin. I looked at my boyfriend immediately at namutla siya. He even looked at the side mirrors to check what he just saw pero wala na. We stopped for a while after that kasi nanginginig buong katawan niya kaya I volunteered na ako na yung magdrive pauwi dahil medyo malapit na rin naman and he agreed.
Marami pa kong experience pero ayan yung mga hindi ko makalimutan. Minsan iniisip ko kung ano ba dapat kong gawin para wala ng ibang madamay o ma-trauma dahil sakin. Wala namang ibang masamang nangyayari (thank God) pero nakakaguilty lang na nakakaexperience sila ng mga ganung bagay ng feeling ko, dahil sakin.