u/fakenobara

Reception program for a 50–70 guest wedding?

Hi, graduate brides! 🤍

Sa mga kinasal po na intimate wedding lang (around 50–70 guests), ano po ang naging flow ng reception program ninyo?

Nagkaroon pa rin po ba kayo ng grand entrance ng entourage sa reception, o diretso na sa program?

I’ll be getting married in January 2027, and isa talaga sa mga dilemma ko ang reception program. Karamihan kasi ng mga wedding na na-attendan ko ay malalaki ang guest list, kaya hindi ko alam kung ano ang mas bagay sa intimate wedding.

Ano po ang mga fun activities or segments na ginawa ninyo para maging engaging ang reception kahit konti lang ang guests? Worth it pa rin po ba ang full program, o mas okay na simple at relaxed lang?

I’d really appreciate it if you could share your reception flow or any suggestions. Thank you so much! 🤍

reddit.com
u/fakenobara — 1 day ago