Doppelgänger nga ba?
Grade 6 ako noon, pero hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa rin yung nangyari sa classroom namin.
Katatapos lang namin mag bonfire noon at nagkayayaan kaming maligo sa classroom. Pagpasok namin sa room, pumila agad kami kasama ng mga classmates ko para makagamit ng CR. Si Almira, na isang Muslim, ang nasa unahan ko at siya ang unang pumasok sa CR para maligo.
Habang naghihintay kami sa labas, napansin namin na ang tagal niyang lumabas. Nagtataka na kami kung bakit ang tagal niya sa loob. Pero bigla kaming nagulat nang may pumasok sa classroom si Almira.
Natahimik kaming lahat dahil nakita talaga namin siyang kakapasok lang sa classroom. Ang problema, alam naming nasa CR siya at hinihintay namin siyang lumabas. Kaya hindi namin maintindihan kung paano siya nakapasok sa classroom nang hindi namin napansing lumabas siya ng CR.
Nakita rin mismo ng teacher namin na pumasok si Almira sa CR.
Dahil sa nangyari, natakot talaga kami. Kaya pagkatapos noon, nag-pray kaming lahat kasama ang teacher namin. Sinubukan naming kumalma at huwag nang isipin yung nangyari.
Pero hindi pa doon natapos.
Nung oras na para matulog kami, bigla kaming may narinig na umiiyak na bata. Hindi lang basta parang iyak—talagang malinaw na malinaw naming narinig na parang isang sanggol ang umiiyak.
Sa sobrang takot namin noon, hindi na namin alam kung ano ang gagawin. Tahimik lang kami at magkakasama, hanggang sa hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami.