20k Basic Salary (4 years in Accounting & Audit)
Hi, F29. ask ko lang in 4 years ko dito sa current employer ko na stuck nalang na 20k basic salary. Nagtaas lang ng 1k sa de minimis ng 2025 and this year. Our work is bookkeeping and external audit sa boss ko buuut his wife is also using me in internal audit and her other clients (they have separate company kasi).
Sobrang lowball na. Degrading. Demotivating. Nakakawalang gana na magwork, nagresign ako last year pero nakiusap na magwfh nalang muna ako at wag muna umalis kasi may audit season pa and di raw sila makahire agad.
Yung nahire nila kapalit nung sumunod sakin na nagresign, 3 weeks lang nagresign na agad.
In my opinion, sure ako wala talaga sila mahire na kapalit namin kasi ang offer lang nila is 18k tas possible highest offer kapag naregular will be 20k lang din.
Nagtataka yung HR at Boss namin bakit walang mahire or nagaapply. If may magapply daw may iilan na magpapainterview pero karamihan daw di nagrereply.
Inexplain ko naman sa HR na maraming naghahanap ngayon ng work, pero kasi ang salary expectation na ngayon is 25k entry level or baka mas mataas pa (tama ba?).
ano ba tong pinasok ko haha
Anyways, gusto ko lang malaman ano tingin nyo sa ganitong employer at hr? Kasi nakikita ko na parang sila yung may pagkukulang din talaga. As much as I wanted to help them pero may limit eh, parang natauhan ako bigla na shet mag30 na pala ko tas ganto lang sahod ko.
Sorry, gusto ko lang iconfirm na tama desisyon ko or mavalidate na hindi na to enough for this workload. I gave them a chance pero di pa rin nagbabago treatment nila sa tao. As if we are 'family' para libre na halos lahat ng services na irender.
Happy na marami akong natutunan and experience, and super happy nung kinuha akong consultant ng dating client ng office.
Pero talagang di na kaya ilaban ng sahod yung mga gusto ko pang gawin in life, parang disrespectful na yung sahod also disrespectful din sakin of course na nagstay pa ko. Ang dami ko pang gustong matutunan at maexperience. Ang saya sa feeling nung may natutunan na bago at mas useful.
Parang ang dami kong namimiss out as accountant. Parang may mas magagandang oportunity pa somewhere.
Tama naman no? 🥹