sana mapakain ako ng passion na ‘to.
random rant lang. I’m a freshie here sa piyu and class barely started because of the typhoon pero ngayon pa lang ramdam ko na ang gastusin sa medtech. natatakot lang ako na baka masayang lang yung ginastos ng magulang ko para mapaaral ako sa magandang eskwelahan, sa pinapangarap kong kurso. kanina pa nga lang, nameet na namin anaphy lecture prof namin and nagpa-shifting exam(?) kaagad siya, probably to see kung may knowledge ba kami sa subject niya and guess what? 9/30 ang nakuha kong score. college really do humble you. I was gaslighting myself na okay lang yan kasi HUMSS ang kinuha mo nung SHS at hindi STEM. napaisip rin ako na dapat pala hindi ko na pinilit sila mama na payagan ako sa medtech para hindi ako mag-mukhang nawawala sa course na yon dahil lahat ng pinagaaralan ngayon sa medtech ay napagaralan na nung SHS. parents kept telling me before to take a course they wanted for me and not take the course I’ve been dreaming off kaya nag HUMSS ako kasi aligned ang course na gusto nila doon. now, I see my parents talking about my needs and tuition sa school. ayoko na sanang humingi pa ng pera pambili ng kailangan ko dahil ang laki ng tuition ko kasi nag-guilty na kaagad ako kasi iniisip ko na baka hindi ko mapasa yung kurso na to at mauwi lang sa wala yung pinaghirapan ng magulang ko pero kinakailangan ko talaga bilhin yun kasi kung hindi, wala akong magagamit sa mga subjects ko. I kept telling myself na kakayanin ko to para makabawi sakanila kasi kahit nap-pressure ako dahil ako ang breadwinner nila, gustong gusto ko bumawi sakanila at patunayan na hindi sayang ang lahat ng nagastos nila para sakin. ang tanging hiling ko lang ay sana mapakain ako at ang pamilya ko ng passion na ‘to.