















Mt. Kimat Patil-aw
Hindi biro ang Mt. Kimat. Isa siya sa mga bundok na mapapa-respeto ka talaga sa trail.
May mga assault, exposed sections, at knife edges na kailangan mong daanan kaya hindi siya yung tipong chill hike lang. Kailangan may tamang pacing, focus, at tibay ng binti lalo na kapag tirik ang araw o mahangin sa ridges.
Tapos dagdag mo pa yung naglakad kayo sa sementadong daan kasi nanghihinayang kayo sa ₱300 na habal. Akala mo makakatipid ka lang, pero bonus pagod pala yung nakuha mo. 😭😂
Pero yun din siguro yung charm niya. Yung tipong habang nahihirapan kayo, tawanan nalang din sa gitna ng hingal at reklamo. Hanggang sa pagdating sa summit, marerealize mong sulit lahat ng pagod, init, at paglalakad. 💗