u/misskweschun

college students, natagpuang walang reading comprehension

naiinis lang ako kasi sinabi na nga ng prof namin na walang online classes today pero sige join pa rin sila sa meeting 😵‍💫 come on guys hahahaha can we normalize reading the announcements ?? clear na clear naman yung sinabi tapos pindot kayo nang pindot ng call…

jusko, college students na po tayo mga ate at kuya. matuto po tayong magbasa at umintindi ng mga announcements bwiset

reddit.com
u/misskweschun — 1 day ago

gc ng mga nag-shift

do you guys make a group chat or group page for students na nag-shift (batch 2030)? i wanna interact with you guys sanaaa

pls pls pls drop naman if merooooon 🖖

reddit.com
u/misskweschun — 14 days ago

ftd

hahahahaha can i just say na ang pangit ng naging desisyon nila??

inisip kaya nila nang maayos kung ano yung mangyayari sa mga estudyanteng hahabulin yung deadline para lang makapagpasa on time? after midyear, they could’ve informed the students na may requirements pala na kailangang asikasuhin.. pero wala.. 🫪

imagine ha.. paano ipagkakasya ng mga estudyante yung ganoon sa loob lang ng isang linggo? lalo na’t maulan din ngayon. ang hirap bumyahe, mahal ang gagastusin, at minsan hindi naman ata pwedenh sabay-sabay na iturok yung vaccines sa katawa natin (correct me if i’m wrong). i mean, like, sana naging thoughtful sila kasi medical at vaccines yung nire-require nila. sobrang pricey rin nun.

kumbaga, nasa med field kayo pero hindi niyo pinapahalagahan yung kalagayan ng mga estudyante niyo.

reddit.com
u/misskweschun — 15 days ago

mahirap ba pag irreg student ka

ang random lang ng naisip ko. start na kasi ng enrollment at dahil gusto ko lumipat ng program, matic na irreg na ko nyan. napaisip lang ako kung mahirap ba yon? mahirap bang maging irregular student lalo na kapag yung course na lilipatan mo ay may block section like nursing?

siyempre kapag irregular student na ko, hindi ako makakasabay sa block enrollment. siguro mahihirapan din ako makakuha ng gusto kong schedule talaga since susundin ko kung kailan ako makakapag-enroll based on my student number.

napapaisip ako kung kaya ko ba maging mag-isa in the long run. hindi rin naman kasi guaranteed that i’ll meet someone kaya ayokong umasa sa thought na yon. if meron, i will be so grateful na may makasama sa journey ko. but if wala, i have to rely on myself. kinakabahan ako kasi baka hindi ako makapag-adjust. baka mamaya mahirap pala tapos hindi ko kaya. pero sana talaga kayanin ko kahit kinakain na ko ng pagdududa.

sa mga irregular student, pwede ko bang malaman ano yung experience niyo? acads saka interaction with other people. especially if ihsn ka, mahirap ba? kaya ba?

i wanna get motivated again to pursue this dream, but i’m afraid na i-regret ko yon. :(

reddit.com
u/misskweschun — 26 days ago

Tuition Fee Discount

Saan po kaya pwedeng makahanap ng information tungkol sa tuition fee discounts or any scholarships? Gusto ko sana mag-apply para kahit papaano mabawasan yung binabayaran ng parents ko. Gusto ko rin sana malaman kung eligible ba akong mag-apply based sa grades ko. Hindi kasi ako masyadong familiar kung saan pwedeng magtanong or kung anong office ang dapat lapitan, kaya if may alam po kayo, I would really appreciate your help. Thank you po!

P.S. di ako sure kung tama yung flair hahahaha suri suri

reddit.com
u/misskweschun — 27 days ago