u/onlyforchikka

Ang "kabanalan" ba ay para lang sa ordinaryong miyembro?

Mag-2 years na akong dumadalo sa gawain. Alam kong bago pa lang ako at di pa alam lahat ng mga kailangan at kung ano pa. Lurker din ako dito, pero ngayon gumawa pa ako ng bagong account para lang maglabas ng saloobin.

Nakakatisod yung isang bel. children (charity). Madalas syang dumadaan sa newsfeed ko kaya di ko maiwasan icheck yung profile nya; pananamit at lifestyle yung una mong mapapansin. Una, akala ko kaapelyido lang ng bel. children, pero upon checking and reading some post/comments here, bunso pala nila eto.

Napapaisip kasi ako sa way ng pananamit nya, laging fit ang suot (kahit voluptuous yung body type nya, parang ine-emphasize nya pa lalo), nag make up, kasi pag dumadalo ako naka ayos tas lagi may nakaka puna porket nka liptint at blush on ganun kasi maputla akong tao,. Di kabanalan tulad ng sabi nila. And then dumaan yung latest post nya sa feed ko, doon talagang nawala yung amor ko sa kanya, kita na yung cleavage, hanggang tuhod na skirt. I don't know.

Kahit anong pilit ko kasing intindihin na iba-iba ang gusto ng bawat tao, hindi ko maiwasang madismaya. Kasi diba, kung sino pa yung nasa loob o malapit sa mismong pamilya, sila pa dapat yung nagpapakita ng magandang halimbawa sa mga kapatid? Tapos minsan mapapaisip ka na lang kung doble kara ba ang lahat o sadyang pinapalampas lang kapag kakilala o malakas ang kapit. Nakakalungkot lang kasi nadadamay yung pananampalataya mo sa mga nakikita mong ganito, kaya minsan mas gusto ko na lang i-off ang social media ko para hindi na ako makakita ng mga ganitong eksena.

reddit.com
u/onlyforchikka — 13 days ago