u/papsycles

ZERO KNOWLEDGE ABT UPGRADES BUT HELP A BOY OUT

ZERO KNOWLEDGE ABT UPGRADES BUT HELP A BOY OUT

Hi mga boss! Meet Juancho, my Mio Gear. Bought him last Feb (ata?) , and so far sobrang goods naman kami.

Natatawa lang ako kasi in 23 years of living, never akong naging interesado sa motor. Wala rin kasi akong tatay na magtuturo or mang-iimpluwensya sakin tungkol dito lol. Pero ngayon gets ko na yung mga kuya na nagsasabing wag mong titigan motor mo habang nagkakape ka sa umaga kasi bigla kang mapapaisip ng “parang may kulang” 😭

Kaso eto problema: wala talaga akong alam sa motor HAHAHA. As in change oil at hangin lang confidence ko. Baka na-fall lang ako sa rabbit hole kasi wala rin akong ibang hobby na mapaglaanan ng oras at pera aside sa pagkain.

Pero gusto ko sana alagaan si Juancho nang maayos at unti-unting pagandahin. Yun nga lang, medyo hirap pa humanap ng trusted na mekaniko kasi baka mabudol ako dahil obvious namang baguhan ako 😩

Mga boss, ano marerecommend niyong beginner-friendly upgrades/mods for Mio Gear? Yung practical muna sana bago pormahan. Pang daily lang din naman ako and chill ride lang. Simple na upgr pero kita maman yung difference. Hehe.

u/papsycles — 1 day ago