Di ko siya kilala
Gusto ko lang malaman kung nasasarado/nawawala ba talaga completely ang sixth sense, kasi di ko naman kilala yung nakita ko dati nung bata ako.
Storytime:
I was around 6 years old that time, naglalaro ako mag isa sa kwarto namin. Nililibang sarili, kasi ako lang nagiisang bata sa household namin. Ang kwarto namin, pag labas mo nasa right side ang hagdan na paikot, at railings. Maikling hallway, mga 5 steps lang kwarto naman ng lola ko.
Nagtatatalon ako sa kama namin nang biglang may kumatok, pag bukas ko ng pinto tito ko pala, nasa may hagdan lang siya nun, nilusot kamay sa railings para kumatok. Di ko pinansin kasi pinagttripan lang ako, balik ako sa paglalaro.
Maya maya, may kumatok uli. Naasar pa ko sa tito ko, kaya nung bubuksan ko na pinto, napasabi pa ko ng “ano ba” kaso natigil ako agad, kasi pagbukas ko ng pinto, batang lalaki yung nasa harap ko.
Nakatitig siya sakin. Nakabarong siyang puti. Medyo grey na yung kulay niya. Sobrang putla ng labi niya. Di ko siya kilala, isa lang namn pinsan ko that time, babae rin at nasa probinsya. Eh nasa Manila ako.
Nung nag sink in na sakin na di ko siya kilala, at halatang di siya tao, sinarado ko pinto sabay bilang ng 1, 2, 3, tapos takbo pababa. 😭
Simula nun hindi na ako nakakaramdam, lalong hindi na nakakakita. Hindi ko na winiwish na makakita ako, kaya gusto ko malaman kung completely ba nasasara yun.
At alam kong totoo yung nakita ko kasi after that, nag bakasyon kaming family sa province, so binigyan namin ng susi yung relatives namin para in case of emergency at para kumuha ng stocks sa business namin before.
Yung isang relative namin, kukuha na nga ng stock. Pagbukas nya ng pinto, nakita nya may nagpapakain ng mga isda namin sa aquarium. Batang lalaki. Nagkagulatan sila, tumakbo raw paakyat yung batang lalaki 😅😩 eh wala ngang tao sa bahay namin kasi lahat kami umalis. Hahaha