State University College in Balanga Bataan: Shifting courses = Tanggal na sa Free Higher Education
Based sa RA 10931, as long as pasok sa Retention Policies ang estudyante (pinayagan padin mag-enroll sa university) ay dapat eligible padin sya for Free Higher Education, which is sa case ng kakilala ko na bagsak sa major and pasado na sa ibang subs and napapirmahan naman nya sa prof ng last course nya yung shifting application is dapat eligible padin sya since tinanggap yung application nya to stay but in another course na.
Eto na, nakausap nya daw yung representative ng BPSU and ang sabi may Approved Institutional Policy daw na nagsasabing automatic pag nag-shift ka ng course is tanggal ka na sa Free Higher Education. I mean, how can an "Approved Institutional Policy" override a Republic Act? Nakalagay din mismo sa student handbook nila yung RA 10931 Section 6.
Nakikipagusap na sya sa mga mas nakakataas sa pinakamataas sa nasabing SUC and public attorney about this. Kayo ba may kakilala kayong shiftee na di pa naman nakaka limang taon sa State University dito sa Balanga Bataan na nagbabayad ng tuition even tho eligible padin sila?