



Hi to all langgams.
Gusto ko lang itake yung space and time ninyo para hindi na lumaki pa yung issue and para hindi na rin mag-worry yung iba. Ayoko na rin kasi na humaba pa ito or magkaroon pa ng ibang misunderstandings, so I’d rather address everything myself.
Napag-isip-isip ko rin talaga ito together with some of my trusted people here in reddit and tiktok na nakakajoin ko sa paggawa ng content. Nagkaroon kami ng discussion just recently as in now, and in-assess nila yung mga posts ko, yung captions, pati na rin yung naging actions ko dito sa group.
And honestly, I have to admit na may mga pagkakataon talagang may na-overstep ako. Siguro sobrang passionate ko lang talaga sa mga bagay na pinaniniwalaan ko, kaya minsan nakakalimutan ko na may mga tao rin sa kabilang side who have feelings. Kahit hindi ko sila personally kilala, it doesn’t mean na wala silang mararamdaman sa mga sinasabi or ginagawa ko.
Aminado rin ako na medyo strong yung personality ko. Hindi ako magiging cup of tea ng lahat, and okay lang naman yun. Pero na-realize ko rin na dahil sobrang vocal ako minsan, iba na pala yung dating ng mga sinasabi ko. Yung intention ko minsan hindi naman mang-away, but I understand kung bakit may mga naka-feel na parang hostile ako.
Baka rin kasi may nagtataka kung bakit parang ang dami kong time gumawa ng edits at content. Hindi lang po kasi ako. Dati apat kami sa group na gumagawa ng edits at captions, pero ngayon tatlo na lang kami since yung isa hindi na rin active. Meron din kaming private group where we talk, nagbi-brainstorm, nagbibigay ng suggestions, and nagre-review ng content bago ito i-post. Ako pa rin naman talaga yung gumagawa ng majority ng edits and ako rin yung madalas na nagpo-post, pero may mga pagkakataon na may naghhelp sa akin sa captions, ideas, or pagre-review ng content.
After naming pag-usapan lahat na-realize ko na kailangan ko talagang mag-tone down. Ang una ko pa ngang naisip ay i-deactivate muna yung account ko para makapagpahinga rin. Hindi rin kasi biro ang mag-manage ng iba’t ibang pages. Hindi lang naman ito yung inaasikaso ko, may iba pa akong mina-manage at ine-edit na page. Hobby ko talaga ang pag-e-edit ng videos at paggawa ng content. Wala naman talaga akong napapala financially dito. Sa totoo lang, ako pa nga yung gumagastos sa subscriptions and editing tools.
Gusto ko ring magpasalamat at humingi ng apology lalo na sa moderator. Thank you kasi kahit nakapagsalita ako ng hindi maganda, hindi mo ako pinatulan and hindi mo rin ako binalikan ng masasakit na word. I really appreciate that because if you responded the same way, baka lalo lang lumaki yung issue.
Humihingi rin ako ng sincere apology sa lahat ng members na na-hurt, na-offend, or na-stress dahil sa mga nangyari. Alam kong hindi naman ito yung environment na gusto nating makita sa community. The purpose naman talaga natin dito is magkaroon ng healthy discussions, mag-enjoy sa content, and suportahan ang isa’t isa.
Promise ko rin na hindi muna ako magpo-post dito for now. Hindi dahil nagtatampo ako ha, kundi gusto ko lang munang mag-reflect and mag-focus din sa iba ko pang responsibilities. Feeling ko kailangan ko rin talagang mag-step back.
Gusto ko ring mag-thank you sa inyong lahat. Noong umabot tayo sa 4,000 members, sobrang saya ko talaga. I didn’t expect na lalaki nang ganito yung community natin. Naging espesyal na rin talaga siya sa akin and ayoko ring masira yung samahan natin dahil lang sa mga nangyari.
At doon naman sa mga hindi natuwa sa ilan sa mga edits ko, gusto ko ring humingi ng sorry. May mga nagsabi na may ilang edits akong sumobra and naging uncomfortable para sa iba. I respect your feedback. Hindi naman talaga iyon yung direction ng content ko palagi, pero kung may mga na-upload akong nagbigay ng ganoong impression, humihingi ako ng apology. Hindi ko na mababawi yung mga na-post na, but natutunan ko na rin yung lesson ko.
Alam kong may mga members pa ring disappointed or nasaktan, and naiintindihan ko po iyon.
Gusto ko lang sabihin na sincere yung paghingi ko ng apology and I will be more mindful next time to my edits and to everyone on this group.
Thank you, everyone.
I appreciate all of you, and I love you all. 💕🐜