anong brand ng ipis 'to?
▲ 16 r/anoto

anong brand ng ipis 'to?

di siya katulad ng madalas nating nakikita na ipis.

u/tiramisukeykuu — 3 days ago

9W3D MA SUCCESS

Hello, guys. Sharing our experience.

To those na nakakapansin at nakakakilala sa akin, akala niyo siguro ako yung magte-take ng pills dahil sa mga tanong ko.

The truth is im the boyfriend, nagkunwari lang.

anw..

9weeks and 3days TVS

__________________

May 28 (Thursday)

- pills received from EPAP🎉

- tanghali na rin na-confirm yung payment, same day deliver.

_______________

May 29 (Friday)

21:00

- kumain muna kami ni girlfriend sa bahay.

- after 30mins, hinatid ko na pauwi sa bahay nila na dala ang mife.

22:00

- took mife at natulog na.

...

wala naman daw siya naramdaman. pagising-gising lang daw. sabi ko baka nag-ooverthink lang siya at biniro ko pa na kung gusto niya ba na may maramdaman siya. pinapakiramdam niya rin siguro sarili niya kaya gano'n.

__________________

May 30 (Saturday)

19:30

- nag-ayos siya ng gamit niya na dadalhin niya sa bahay.

• extra shorts and undies, damit hindi na kasi papahiramin ko na lang siya.

• electric heat pad

20:00

- nakarating na kami sa bahay, nagpahinga muna.

20:30

- umulan nang malakas. no choice, need namin bumili ng mga kailangan niya.

- went to supermarket, pharmacy, fastfood take-out.

what we bought?

-grocery (crackers, pocari 1L, cup noodolszxc, chocolates, grapes, wet wipes na hindi naman nagamit at kinalimutan ang tissue)

-pharmacy (ibuprofen 2x400mg, bonamine 2x25mg, distilled water, surgical gloves 4pcs pero isa lang nagamit)

-dinner fastfood, light lang kinain niya at binigay sa akin ang tira. 😋

21:40

-nakauwi na ng bahay at kumain.

22:00

-inaantok na siya.

22:30

- uminom ng 1 ibuprofen. sabi ko dalawahin niya, ayaw niya.

- nahiga na rin siya n'yan. sabi ko gigisingin ko na lang siya pag iinom na ng bonamine.

23:00

- wake her up, pinainom ko ng isang bonamine.

-natulog ulit, gisingin na lang daw.

23:30 (1st dose)

- the moment of truth, miso time.

- pinaupo ko at nilagay ko sa ilalim ng dila niya yung 4x Miso.

- charged the electric heat pad

23:40

- nakaramdam na agad siya ng cramps, binigay ko agad yung heat pad.

... nag-ccp lang kami pero hindi magkatabi, para di siya ma-distrsct sa akin. palagi ko rin siya chini-check.

23:45

- pag-check ko sa kaniya, umiiyak siya. nilapitan ko agad siya and hugged her, wiped her tears. nahikbi pa siya.

... onwards palagi ko siyang sinisenyasan kung ilang minuto na lang para malunok niya na yung tira.

00:00 (Sunday)

- sinabihan ko na lunukin niya na, ayaw pa maniwala. patingin daw ulit ng instruction na sinend ni Epap.

... mula sa paglunok niya, nagkumot na siya. pina-off niya na rin yung fan, nilalamig daw siya. grabe ang takot ko nito, 'yung panginginig niya, ay! tumutunog na yung ngipin kaya dali-dali ako sa kusina. nag-prepare ako ng small basin na may maligamgam na tubig at face towel. nilagay ko yun sa noo niya at pinapalitan ko every 7 mins. hanggang sa ayaw niya na kasi okay na raw at i-on ko na raw yung fan. after nito, natulog na ulit siya. ako, binabantayan ko lang siya.

_________________

May 31 (Sunday)

01:30

- gumising at kumain.

- after makailang subo, nag-aya siya mag-cr. pagsilip namin, wala pang discharge.

-nagsuka rin siya. light lang, parang laway lang ata 'yon.

01:45

- natulog na ulit siya, ako hindi pa rin natutulog. gisingin ko lang siya pag mag-take na ulit ng miso.

02:27 (2nd dose)

- wake her up. hinintay lang mag 2:30AM para ma-take niya na yung miso.

- nood lang siya ng mga tiktok vids.

03:00

- nilunok na yung tira. base sa mga nababasa ko here, hindi raw totally natutunaw yung pills. pero sa gf ko, tinanong ko siya, wala raw matigas so tunaw nga.

03:10

- dito na sobrang sumakit yung puson niya. napaupong-tambay sa kanto.

- umutot rin siya.

- inaya ko na sa cr para tingnan namin.

03:25

- puno yung menstrual pants niya. amoy malansa rin.

- inabot ko lahat ng kailangan niya (as i should).

- may nakalawit raw na blood clot, sabi ko sa kanya wag niyang hahatakin at hayaan niya lang. pero nagpalit pa rin siya ng menstrual pants ah. sinabihan ko rin na mag-squat rin siya.

- nagsuka rin ng mga oras na 'to. madami rin at kulay red dahil rin siguro sa ibuprofen. after nito, sobrang nanlalata siya.

03:40

- while she doing child's pose sa bed, bigla raw may nag-pop. medyo nasaktan siya.

- punta agad sa cr. so much blood clot. abot ulit ng mga kailangan niya.

- tinawag niya ako. pinakita sa akin yung m.pants niya, nandoon si baby (fetus) 😭

- kinuha ko agad yung small container na binili namin, nilagyan ko ng distilled water. binigay ko kay gf yung container para ilagay doon si baby. balak ko kasi na i-preserve si baby so i secured her/him at nilagay ko siya sa freezer. pag nakabili kami ng halaman, saka namin siya ililibing. :((((

- muntik na kami makita ng lola ko kasi mag-ccr din daw.

04:10

- nakalabas na rin ng cr.

- nahiga na rin siya at natulog.

04:50

- ako naman ang natulog.

08:15

- gising na kami at nag-aya na rin bumangon para mag-cr. parang may nakabara daw sa keps niya. inabot lahat ng kailangan niya. sasaluhin niya sana kaso pag-upo niya sa toilet biglang nahulog. malaking blood clot.

- breakfast niya na rin. gusto niya talaga may sabaw.

09:00

- bumalik na ulit sa bed, nagpahinga.

- natulog na rin siya nito.

- ako puyat pero hindi rin makatulog kasi iniisip ko pa rin 'yung nangyari at iniisip ko rin siya. sobrang emotional ng nangyari. nag-iyakan kami.

13:30

- lunch namin. good thing, naparami kain niya. at least alam kong may gana siya.

... kain ng snacks at kwentuhan sa mga nangyaring ayaw na naming maulit.

14:30 - 17:30

- tulog ulit siya.

19:00

- dinner from fastfood, syempre may sabaw. after ng procedure, from breakfast to dinner, lahat may sabaw.

20:00

- pumunta muna kami supermarket para bumili ng kailangan niya.

- hinatid ko na rin siya sa bahay nila. nakapaglaba na rin siya nyan after ko umuwi.

- sana walang maging komplikasyon.

_____________________

Lesson learned talaga ito. Napaka emotional ng nangyari. Parang na-trauma raw siya. Naiintindihan ko naman siya. I assured rin naman sa kaniya na nasa tabi niya lang ako at hindi ko siya iiwan. Grateful rin siya at the same time kasi inalagaan ko raw siya. Kawawa nga raw ako kasi hindi pa ako natutulog.

About naman sa desisyon namin na mag-MA... 50/50 siya, kasi may pangarap pa siya at naaawa rin naman siya kay baby. Ako naman at first 90% sure na i-keep pero na-realize ko na hindi pa pwede kaya napunta ako here sa reddit. Muntik na rin kami ma-scam sa T T at blue app, nag-inquire na nga ako e. Mabuti na lang may nakita akong comment sa T T na meron daw sa reddit.

Thank you, A_PH at sa mga masisipag sumagot at magpuyat here sa sub. Thank you, ate SeparateCamp at ate MyteriousYak. Sa mga scammer, pokenanginaniyo.

Sa mga kababaihan natin d'yan na mag-undergo ng MA, magpalakas kayo, emotionally at physically. Huwag muna kayo maawa sa bf niyo (na mag-aalaga sa inyo).

Sa mga boyfriend at husband naman natin d'yan, wala kayong karapatan na magreklamo. Dapat mong alagaan sila, as you should. Kayo lang sandalan ng mga bebeloves niyo.

At para sa lahat, maging responsible tayo sa mga pinaggagawa natin. Maging maingat na tayo sa mga susunod. Huwag tayong maging selfish kasi may buhay rin ang mga bata.

Pag-isipan ang lahat ng gagawin.

babush!

reddit.com
u/tiramisukeykuu — 3 months ago