Ate Girl from AF Holiday Inn Ortigas
I was doing my regular Push day lang and tbh nag ooverthink na ako during the whole session ko. Pawisin ako pero pinupunasan ko din naman bawat equipment and nagbabalik ng weights sa tamang lagayan, kaso first time ko magsando so yeah tagos talaga ung pawis (I dont use sando too much, insecure ako sa sarili ko) so after my session, alis agad ako, hindi na ako nagtake ng pictures or anything. Nagpalit lang ako ng shirt.
Nakasabay ko si ate girl sa elev, tatlo kami muna, then bumaba agad ung isa. Nagulat na lang ako na nagsalita siya asking if gaano na ako katagal nag gygym, I told her na one year na yet not consistent for 5 months nung una. “You look good naman na” FIRST COMPLIMENT NA NAKUHA KO SA TAGAL KONG NAG GYGYM FROM A STRANGER NANG HARAP HARAPAN HAHAHHAHA wala natuwa lang ako kaso naputol usapan namin cuz I need to go to our office muna 🥲 kaya kung nandito ka man ma’am, thank youu! Gumaan bigla mood ko nooon