wdyt sa mga taong solo living pero walang ambag sa bahay ng parents?
hi, new to this subreddit and pls dont judge. M23 have been living solo for 2 years and counting. Actually malapit lang ang bahay ko sa work like 45 min - 1hr ang byahe but i chose to live near sa work na walking distance lang.
sa una kong work, umuuwi pa ako nun sa bahay, bumibigay din pag may extra o minsan ako na bumabayad ng kuryente o tubig o internet o mga needs ng kapatid ko nun like gatas etc. minsan grocery din o allowance. may times pa uutang daw parents ko sakin pero di ko na binilang o siningil kase ofc they’re my parents.
my current work is my second job and i decided to find a place na ako lang kase for convenience purposes, less noise pag matutulog (i work night shift) and other personal matters. and since i don’t live na sa bahay “nila” di ako nag aambag. i know it sounds selfish but my father is pensyonado, may work si mama, 2 of my siblings work too. i thought they are okay, and im glad everytime uuwi ako may bagong sasakyan like trike or bagong appliance, gamit, puno yung grocery stock, napaayos ang bahay etc and i thought they must be okay financially.
and i have my own expenses to pay for too, rent pa lang malaki na ang gastos
etong si mama, lagi nagpaparinig na yung mga kapatid ko na gumagastos daw sa ganto ganyan, tho she doesn’t ask me to, i feel like she’s guilt tripping me. gosh kung marami akong sobra o malaki sahod ko why not diba? kaso ayun nga im paying for myself. solo living nganiii. minsan parang di counted yung mga naiambag ko nung una especially since even tho di ako panganay, at the time ako una nag work saamin.
Am I overthinking her messages or “parinig” saakin or sadyang guilty ako kase wala ako maibigay?