r/ScamsPH

Image 1 — I got scammed on Gcash Ads
Image 2 — I got scammed on Gcash Ads

I got scammed on Gcash Ads

I got scammed on Gcash Ads

Hello guys im Jay, 21 yrs old. I want to share sainyo guys nangyari sakin kanina lang. Habang gamit ko yung gcash app may nag pop na ads about game, nakalagay doon na pwede ka manalo ng 3500 pag nilaro mo yung game. Syempre ako naman na nangangailangan ng pera, pinindot ko and na direct ako sa isang site which is online casino or scatter. So ayon nga guys bagay raw ma withdraw yung cash, kailangan daw muna mag deposit. First deposit ko 200. Habang patagal nang patagal yung pag withdraw palaki rin nang palaki yung kinakailangan nila na ideposit mo. So ako naman deposit naman ako hanggang sa na deposit ko na lahat ng saving ko. Halos 2200 pesos din po yung na deposit. Saka ko lang narealize noong naubos na yung savings ko sa gcash, na parang na scam na ata ako. Hanggang ngayon natutulala pa rin ako. Dahil sa pagiging desperado ko sa pera naubos ang savings ko. Pinag iipunan ko po kasi yung tuition ko in the future, naging desperado po ako. I know po na kasalanan ko. Naging desperado po ako

u/No_Wolverine8623 — 14 days ago